Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Doktrina at mga Tipan
Paano ko malalaman para sa aking sarili?
Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26
(Enero 4–10)
Gustong malaman ng batang si Joseph para sa kanyang sarili kung aling relihiyon ang totoo. Siya ay nanalangin at nagtanong sa Diyos at tumanggap ng sagot mula sa Diyos at kay Jesucristo. Umuwi siya at sinabi sa kanyang ina, “Nalaman ko para sa aking sarili” (Joseph Smith—Kasaysayan 1:20).
Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ni Joseph? Paano natin “malalaman para sa ating sarili” kung ano ang totoo?
-
Naglaan si Joseph ng maraming oras sa pagbabasa ng Biblia. Nabasa niya sa Santiago 1:5 na maaari siyang magtanong sa Diyos sa panalangin.
-
Hindi lang basta naupo si Joseph sa bahay para hintaying dumating ang sagot. Dumalo siya sa iba’t ibang simbahan. Habang kausap niya ang mga lider at miyembro ng iba’t ibang sekta, nadama ni Joseph na may kulang, na humantong sa desisyon niyang magtanong sa Diyos. Ang pag-aaral sa abot ng ating makakaya ay makatutulong para mapagkalooban tayo ng inspirasyon mula sa Ama sa Langit.1
-
Sa Unang Pangitain, sinabi ng Tagapagligtas kay Joseph na wala sa mga kasalukuyang relihiyon ang tama. Sinabi rin Niya na ipanunumbalik ang Kanyang Simbahan balang-araw. Kinailangang maghintay ni Joseph para matuto pa. Kung minsan kailangan din nating maghintay sa mga sagot.