2023
Inanunsiyo ng Simbahan ang Tungkol sa Update sa mga Himno
Nobyembre 2023


“Inanunsiyo ng Simbahan ang Tungkol sa Update sa mga Himno,” Liahona, Nob. 2023.

Inanunsiyo ng Simbahan ang Tungkol sa Update sa mga Himno

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay kasalukuyang nagpaplanong i-release ang Hymns—for Home and Church sa English, Spanish, Portuguese, at French sa pagtatapos ng 2026, na susundan ng iba pang mga wika.

Ang bagong himnaryo ay maglalaman ng 450 hanggang 500 mga himno at mga awiting pambata. Hanggang 50 mga wika ang ilalathala pagsapit ng 2030. Nangangahulugan ito na ang mga kongregasyon ng mga Banal sa mga Huling Araw sa buong mundo ay sasamba na may iisang pinagsama-sama at pinag-isang himnaryo, na pare-pareho ang bilang sa iba’t ibang wikang pinakamadalas gamitin sa Simbahan.

Samantala, magre-release ng ilang bagong awitin ang Simbahan nang digital simula sa unang anim na buwan ng 2024. Magagamit ang mga ito kasabay ng mga himno at awitin sa kasalukuyang nakalathalang himnaryo at aklat ng mga awitin ng Simbahan. Kabibilangan ito ng pinakagustong musika ng Simbahan na kinatha pagkaraan ng 1985 (tulad ng “Faith in Every Footstep [Pananampalataya sa Bawat Hakbang”), musikang hiniram mula sa ibang mga relihiyon, at ilan sa 17,000 mga bagong awiting isinumite ng mga miyembro ng Simbahan. Marami, kung hindi man lahat, sa mga bagong awiting ito na magkakaroon ng maagang digital release ay isasama kalaunan sa Hymns—for Home and Church.