Nobyembre 2023 Mga Tampok mula sa Ika-193 Ikalawang Taunang Pangkalahatang KumperensyaNagbibigay ng buod ng ilan sa mga aral na itinuro sa pangkalahatang kumperensya. Sesyon sa Sabado ng Umaga David A. BednarNasa Landas ng Kanilang TungkulinIpinahayag ni Elder Bednar ang kanyang pasasalamat sa mga miyembro ng Simbahan na naglilingkod sa iba’t ibang bahagi ng mundo at na siyang lakas ng Simbahan. Amy A. WrightMananatili sa Araw na Yaon kay CristoItinuro ni Sister Wright na sa tulong ni Jesucristo, kaya nating lahat na “manatili sa araw na yaon” at harapin at lampasan ang mga hamong kinakaharap natin. Robert M. DainesGinoo, Ibig Sana Naming Makita si JesusNagturo si Elder Daines ng mga alituntunin upang matulungan tayong mas makilala ang Tagapagligtas at maunawaan ang pagmamahal ng Diyos. Carlos A. GodoyPara sa Kapakanan ng Inyong mga InapoHiniling ni Elder Godoy sa mga tumalikod sa Simbahan o hindi masyadong nananampalataya na magbalik-loob upang matamasa nila at ng kanilang mga inapo ang mga biyaya ng ebanghelyo. D. Todd ChristoffersonAng Kapangyarihang MagbuklodItinuro ni Elder Christofferson na ang kapangyarihang magbuklod, na nagbibigay-bisa sa lahat ng ordenansa ng priesthood at nagbibigkis sa mga ito kapwa sa lupa at sa langit, ay mahalaga sa pagtitipon ng Israel. Ian S. ArdernIbigin Mo ang Iyong KapwaItinuro ni Elder Ardern na ang mga pagsisikap sa tulong-pantao ay mga paraan na maipapakita ang pagkahabag sa iba at masusunod ang utos ng Panginoon na “ibigin mo ang iyong kapwa.” Dallin H. OaksMga Kaharian ng KaluwalhatianItinuro ni Pangulong Oaks ang tungkol sa mga kaharian ng kaluwalhatian pagkatapos ng buhay na ito at ang pagtutuon ng Simbahan sa pagtulong sa atin na maging karapat-dapat sa pinakamataas na antas ng kahariang selestiyal. Sesyon sa Sabado ng Hapon Henry B. EyringPagsang-ayon sa mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang OpisiyalInilahad ni Pangulong Eyring ang mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Opisiyal ng Simbahan para sa pagsang-ayon. Neil L. AndersenIkapu: Pagbubukas ng mga Bintana ng LangitItinuro ni Elder Andersen na kapag tayo ay tapat na nagbabayad ng ikapu, bubuksan ng Panginoon ang mga bintana ng langit upang makapagbuhos sa atin ng mga pagpapala. Jan E. NewmanPagpreserba ng Tinig ng mga Pinagtipanang Tao sa Bagong SalinlahiItinuro ni Brother Newman na responsibilidad ng mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na lumapit kay Jesucristo. Joaquin E. CostaAng Kapangyarihan ni Jesucristo sa Ating Buhay Araw-ArawItinuro ni Elder Costa na makasusumpong tayo ng lakas sa ating pananampalataya kay Jesucristo habang sinisikap nating lumapit sa Kanya araw-araw. Gary E. StevensonMga Pahiwatig ng EspirituItinuro ni Elder Stevenson ang kahalagahan ng paghangad, pagtukoy, at pagkilos sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo. Yoon Hwan ChoiGusto ba Ninyong Lumigaya?Itinuro ni Elder Choi na kung gusto nating lumigaya, dapat tayong manatili sa landas ng tipan. Bibiyayaan tayo ng Diyos at pagagaanin ang ating mga pasanin. Alan T. PhillipsKilala at Mahal Kayo ng DiyosItinuro ni Elder Phillips na tayo ay mga anak ng Diyos, na tayo ay tinutubos at binibigyan ng ginhawa ni Jesucristo, at na ang Ama sa Langit ay perpekto at mapagmahal. Ronald A. RasbandAnong Laki ng Inyong KagalakanItinuro ni Elder Rasband na upang matipon ang Israel, kailangan ng mga karagdagang misyonero at inanyayahan niya ang mga nakatatanda na dalhin ang kanilang kaalaman at mga patotoo at maglingkod sa mga misyon. Sesyon sa Sabado ng Gabi Gary B. SabinMga Tanda ng KaligayahanItinuro ni Elder Sabin ang limang paraan upang masumpungan ang tunay na kaligayahan. Joni L. KochMapagpakumbabang Tumanggap at SumunodItinuro ni Elder Koch ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at pagtitiwala sa Panginoon. Tamara W. RuniaPagtingin sa Pamilya ng Diyos Ayon sa Kanyang PananawItinuro ni Sister Runia na may kapangyarihan at kaligayahan kapag titingnan natin ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay sa mas malawak na pananaw. Ulisses SoaresMagkakapatid kay CristoItinuro ni Elder Soares kung paano mag-iingat laban sa panghuhusga o di-pantay na pakikitungo at pagturing sa isa’t isa bilang magkakapatid kay Jesucristo. Sesyon sa Linggo ng Umaga M. Russell BallardPurihin ang PropetaPinatotohanan ni Pangulong Ballard ang maraming pagpapalang tinatamasa natin dahil kay Propetang Joseph Smith, na nagpanumbalik ng kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo. Emily Belle FreemanMamuhay na Nakaugnay kay Cristo sa Pamamagitan ng TipanIkinumpara ni Pangulong Freeman ang pagtahak sa landas ng tipan sa paglalakad sa Jesus Trail sa Israel. Adilson de Paula ParrellaPagiging Saksi ni Jesucristo sa Salita at sa GawaItinuro ni Elder Parrella na maaari nating taglayin sa ating sarili ang pangalan ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpapatotoo tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng ating mga salita at kilos. Quentin L. CookMaging mga Mapamayapang Tagasunod ni CristoItinuro ni Elder Cook na ang mga mapamayapang tagasunod ni Cristo na tumutupad sa Kanyang mga utos ay bibiyayaan ng kapayapaan sa pagharap nila sa mga hamon at makaaasam sa maliwanag na hinaharap. Dieter F. UchtdorfAng Alibugha at ang Daan PauwiItinuro ni Dieter F. Uchtdorf na hindi kailanman huli ang magsisi at magbalik sa landas na patungo sa Diyos. W. Christopher WaddellHigit Pa sa Isang BayaniItinuro ni Bishop Waddell na lahat ay mga bayani, si Jesucristo ang pinakadakila. Henry B. EyringAng Ating Kasama sa TuwinaItinuro ni Pangulong Eyring na dapat tayong magsikap na laging makasama ang Espiritu Santo. Sesyon sa Linggo ng Hapon Dale G. RenlundSi Jesucristo ang KayamananItinuro ni Elder Renlund na kapag nakatuon tayo kay Jesucristo at titigil sa pagtingin nang lampas sa tanda, matatagpuan natin ang pinakamalalaking kayamanan ng ebanghelyo. John C. Pingree Jr.Walang Hanggang KatotohananIpinaliwanag ni Elder Pingree kung ano ang katotohanan, bakit mahalaga ito, paano natin ito matatagpuan, at paano natin ito dapat ibahagi sa iba. Valeri V. CordónMga Banal na Aral ng Pagiging MagulangItinuro ni Elder Cordón na dapat ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang kultura ng ebanghelyo at tulungan silang makabalik sa langit. J. Kimo EsplinAng Nakapagpapagaling na Kapangyarihan ng Tagapagligtas sa mga Pulo ng DagatNagkuwento si Elder Esplin tungkol sa isang Hapones na Banal sa mga Huling Araw na naglalarawan ng kapangyarihang maaari nating matamo sa mga tipan sa templo. Gerrit W. GongDito ay May Pag-ibigItinuro ni Elder Gong kung paano natin magagamit ang tatlong wikang gamit ng ebanghelyo sa pag-ibig: ang pagkamagiliw at pagpipitagan, paglilingkod at sakripisyo, at pagiging kabilang sa tipan. Christophe G. Giraud-CarrierTayo ay Kanyang mga AnakItinuro ni Elder Giraud-Carrier na dapat nating tandaan na tayong lahat ay mga anak ng Diyos at dapat mahalin ang bawat isa, anuman ang ating mga pagkakaiba. Russell M. NelsonIsipin ang Kahariang Selestiyal!Itinuro ni Pangulong Nelson ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at pagpili na nasasaisip ang kahariang selestiyal. Mga General Authority at Pangkalahatang Pinuno ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw | Oktubre 2023Chart na nagpapakita ng mga pinuno ng Simbahan. Mga Balita sa Simbahan Naglilingkod ang mga Apostol at Propeta sa mga Banal sa Iba’t Ibang Panig ng MundoIsang overview ng mga paglilingkod kamakailan ng mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ang Bilang ng mga Templo ay Patuloy na DumaramiIsang overview ng progreso kamakailan sa mga bagong templo. Maaaring Mag-iskedyul ng mga Group Temple Appointment OnlineMaaari na ngayong mag-iskedyul ng mga group appointment ang mga Banal sa mga Huling Araw para sa lahat ng mga proxy ordinance gamit ang online system para sa mga temple appointment. Ang Ikalawang Edisyon ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay Makukuha na NgayonNaglathala ang Simbahan ng pangalawang edisyon ng gabay para sa mga misyonero na “Mangaral ng Aking Ebanghelyo.” Inanunsiyo ng Simbahan ang Tungkol sa Update sa mga HimnoIsang ulat kung kailan ilalathala ang bagong himnaryo, pati na ang mga planong mag-release ng ilang bagong awitin nang digital. Elder Alexander DushkuMaikling talambuhay ni Elder Alexander Dushku, na sinang-ayunan bilang General Authority Seventy sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2023. Pagtuturo, Pag-aaral, at Pagpapamuhay ng mga Mensahe mula sa Pangkalahatang Kumperensya