“Ang Ikalawang Edisyon ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay Makukuha na Ngayon,” Liahona, Nob. 2023.
Ang Ikalawang Edisyon ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay Makukuha na Ngayon
Halos dalawang dekada matapos ang paglalathala ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Isang Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero, naglathala ang Simbahan ng pangalawang edisyon (na may subtitle na Isang Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo).
Ipinahayag ni Pangulong Russell M. Nelson ang pangalawang edisyon sa seminar ng Simbahan para sa mga bagong mission leader noong Hunyo. “Dumating ang bagong edisyong ito sa panahon na mabilis na nagbabago ang mundo,” sabi niya. “[Ito] ay nagpapakita ng pagiging sensitibo sa marami sa mga pagbabagong iyon. Naglalaman ito ng ilan sa mga pinakamagandang pagtuturong nakita ko para tulungan ang mga tao na tanggapin ang paanyaya ng Panginoon na lumapit sa Kanya.”
Kabilang sa na-update na edisyon ang mga turong ibinigay ng mga pinuno ng Simbahan simula nang ilathala ang unang edisyon noong 2004. Naaayon ito sa updated na Pangkalahatang Hanbuk at iba pang mga bagong patakaran. Kabilang din dito ang mga pag-iingat at tuntunin sa paggamit ng teknolohiya sa pagbabahagi ng ebanghelyo.
Sabi ng Young Women General President na si Bonnie H. Cordon: “Ang kahanga-hanga ay bawat isa sa Labindalawa ay talagang nakatuon dito. Nabasa na ito nang buo ng Unang Panguluhan. At ito talaga ang aklat na umaayon sa mga hangarin ng Tagapagligtas.”
Ang ikalawang edisyon ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay makukuha sa Gospel Library app at online sa English, French, Portuguese, at Spanish. Ang naka-print na mga edisyon ay makukuha sa katapusan ng 2023. Ang mga karagdagang wika ay makukuha simula sa Enero 2024.