2023
Ang Bilang ng mga Templo ay Patuloy na Dumarami
Nobyembre 2023


“Ang Bilang ng mga Templo ay Patuloy na Dumarami,” Liahona, Nob. 2023.

Ang Bilang ng mga Templo ay Patuloy na Dumarami

Ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson ang 20 bagong templo sa sesyon sa Linggo ng hapon ng pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2023. Tingnan ang mga lokasyon ng mga templo sa kanyang mensahe sa pahina 117.

Ang mga sumusunod na templo ay nailaan na o muling inilaan mula nang huling pangkalahatang kumperensya noong Abril:

  • Ang Richmond Virginia (USA) Temple ay inilaan noong Mayo 7, 2023.

  • Ang Columbus Ohio (USA) Temple ay muling inilaan noong Hunyo 4, 2023.

  • Ang Helena Montana (USA) Temple ay inilaan noong Hunyo 18, 2023.

  • Ang Saratoga Springs Utah (USA) Temple ay inilaan noong Agosto 13, 2023.

  • Ang Bentonville Arkansas (USA) Temple ay inilaan noong Setyembre 17, 2023.

  • Ang Moses Lake Washington (USA) Temple ay inilaan noong Setyembre 17, 2023.

  • Ang Brasília Brazil Temple ay inilaan noong Setyembre 17, 2023.

  • Ang McAllen Texas (USA) Temple ay inilaan noong Oktubre 8, 2023.

  • Ang Feather River California (USA) Temple ay inilaan noong Oktubre 8, 2023.

  • Ang Bangkok Thailand Temple ay inilaan noong Oktubre 22, 2023.

  • Ang Okinawa Japan Temple ay ilalaan sa Nobyembre 1.

Nagkaroon ng groundbreaking para sa mga sumusunod na templo: Port Vila Vanuatu Temple, Papua New Guinea Temple, Belo Horizonte Brazil Temple, Montpelier Idaho Temple, Modesto California Temple, at Fort Worth Texas Temple.