Mga Turo ng mga Pangulo
Buod Pangkasaysayan


Buod Pangkasaysayan

Ang aklat na ito ay hindi kasaysayan, kundi kalipunan ng mga alituntunin ng ebanghelyo na itinuro ni Pangulong Harold B. Lee. Gayunman, upang mailagay ang mga turo sa angkop na mga pangyayaring pangkasaysayan, ang sumusunod na talaan ay inihanda upang makita ang buod ng mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay na may pinakamalapit na kaugnayan sa kanyang mga turo.

1899, ika-28 ng Marso:

Isinilang si Harold Bingham Lee kina Samuel Marion at Louisa Emeline Bingham Lee, sa Clifton, Oneida County, Idaho.

1907, ika-9 ng Hunyo:

Bininyagan ni Lester Bybee, sa Clifton, Idaho (8; ipinakikita ng bilang sa panaklong ang edad ni Harold B. Lee).

1912, taglagas:

Pumasok sa Oneida Stake Academy, sa Preston, Idaho, kasama ang kamag-aral na si Ezra Taft Benson (13).

1916, tag-araw:

Pumasok sa Albion State Normal School, sa Albion, Idaho (17).

1916–17, taglamig:

Nagturo sa Silver Star School, malapit sa Weston, Idaho (17).

1918–20:

Punong-guro ng distritong paaralan sa Oxford, Idaho (18–21).

1920–22:

Misyonero, Western States Mission, sa Denver, Colorado (21–23).

1923, tag-araw:

Nag-aral sa University of Utah. Sa huli ay natapos niya ang kanyang digri sa pamamagitan ng mga kurso sa korespondensiya at mga klase sa ibang lugar maliban sa unibersidad (24).

1923, ika-14 ng Nobyembre:

Ikinasal kay Fern Lucinda Tanner sa Templo sa Salt Lake (24).

1923–28:

Punong-guro ng Whittier and Woodrow Wilson Schools, sa Lungsod ng Salt Lake (24–29).

1930, ika-26 ng Oktubre:

Itinalaga bilang pangulo ng Pioneer Stake, 1930–37 (31).

1933, ika-7 ng Nobyembre:

Inihalal sa Salt Lake City Commission; naglingkod mula 1933–37 (34).

1935, ika-20 ng Abril:

Inatasan ng Unang Panguluhan si Harold B. Lee na gumawa ng programa hinggil sa ikagiginhawa ng mga nangangailangan (36).

1936, ika-18 ng Abril:

Tinawag bilang tagapangasiwang direktor ng plano sa seguridad ng Simbahan (sa dakong huli ay ginawang programang pangkapakanan ng Simbahan) (37).

1939, ika-16 ng Abril:

Ang unang kamalig sa Welfare Square ay nakumpleto sa Lungsod ng Salt Lake (40).

1941, ika-6 ng Abril:

Sinang-ayunan na miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol (42). Inordenan noong ika-10 ng Abril, 1941.

1954:

Nagdaos ng mga komperensiya ng mga sundalo sa Japan, Korea, Okinawa, Pilipinas, at Guam (55).

1958, Agosto:

Nilibot ang Timog Aprika at sa Banal na Lupain (59).

1960, ika-27 ng Marso:

Binuo ang unang istaka sa Europa sa Manchester, England (60).

1961, ika-30 ng Setyembre:

Sa pamamahala ng Unang Panguluhan, ibinalita ang plano sa pag-uugnay-ugnay sa lahat ng programa ng Simbahan (62).

1962, ika-24 ng Setyembre:

Kamatayan ni Fern Lucinda Tanner, asawa ni Harold B. Lee (63).

1963, ika-17 ng Hunyo:

Ikinasal kay Freda Joan Jensen sa Templo sa Salt Lake (64).

1966, ika-27 ng Agosto:

Kamatayan ni Maurine Lee Wilkins, anak ni Harold B. Lee (67).

1970, ika-23 ng Enero:

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol at Unang Tagapayo kay Pangulong Joseph Fielding Smith (70).

1972, ika-2 ng Hulyo:

Kamatayan ni Pangulong Joseph Fielding Smith (73).

1972, ika-7 ng Hulyo:

Inordenan at itinalaga bilang Pangulo ng Simbahan (73).

1972, ika-25–27 ng Agosto:

Pinamunuan ang pangkalahatang komperensiya ng pook sa Mexico City (73).

1972, ika-20 ng Setyembre:

Binuo ang Jerusalem Branch sa Halamanang Libingan (73).

1972, ika-5 ng Oktubre:

Ibinalita ang programa sa pangkapakanang paglilingkod sa buong mundo (73).

1972, ika-6 ng Oktubre:

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Simbahan sa banal na pulong (73).

1972, ika-14 ng Disyembre:

Binuo ang International Mission ng Simbahan (73).

1973, ika-8 ng Marso:

Binuo ang unang istaka sa lupain ng Asya sa Seoul, Korea (73).

1973, ika-24–26 ng Agosto:

Pinamunuan ang pangkalahatang komperensiya ng pook sa Munich, Germany (74).

1973, ika-26 ng Disyembre:

Namatay si Pangulong Harold B. Lee sa Lungsod ng Salt Lake (74).

1973, ika-31 ng Disyembre:

Istadistika sa pagtatapos ng taon: 3,321,556 na mga miyembro; 630 istaka; 4,580 purok; 108 misyon; 17,258 na mga misyonero; 15 templo.