KABANATA 33
Mga Espirituwal na Kaloob na Magpagaling, Magsalita sa Iba’t Ibang Wika, Magpropesiya, at Makahiwatig ng mga Espiritu
“Walang taong maaaring maging lingkod ni Jesucristo maliban kung siya ay may patotoo kay Jesus; at ito ang diwa ng propesiya.”
Mula sa Buhay ni Joseph Smith
Kasunod ng maikling panahon ng pagtatago sa Quincy, Illinois, noong mga unang buwan ng 1839, nagsimulang lumipat ang mga Banal nang mga 80 kilometro pahilaga patungong pamayanan ng Commerce, Illinois. Matapos makatakas mula sa pagkabilanggo sa Missouri, nagsimulang bumili ng mga lupain ang Propeta sa loob at paligid ng Commerce bilang mga lugar na pagtitipunan ng libu-libong umalis sa Missouri at ngayo’y nanga-ngailangan ng lugar para muling isaayos ang kanilang buhay. Pagsapit ng Hulyo 1839, daan-daang Banal ang nakahimpil sa kanilang mga tolda at bagon sa bandang silangan ng Ilog Mississippi sa Commerce, samantalang ang iba ay nakatagpo ng kanlungan sa dating kampo ng militar sa kabilang panig ng ilog sa Montrose, Iowa. Sa bagong tahanang ito, sinikap ng mga Banal na linisin at patuyuin ang putikang lupain malapit sa ilog. Maraming miyembro ng Simbahan ang nakagat ng mga lamok at malubhang nagkasakit ng malaria at iba pang mga karamdaman. Ilan sa mga Banal ang namatay at ang iba naman ay muntik nang mamatay. Kinupkop nina Joseph at Emma Smith ang napakara-ming miyembro sa kanilang tahanang yari sa troso para alagaan kaya ipinagamit ng Propeta ang kanyang kama at natulog na lang sa isang tolda sa labas.
Noong Hulyo 22, sa gitna ng sakit na dumapo sa marami, nasaksihan ng mga Banal ang tinawag ni Elder Wilford Woodruff na “isang araw ng kapangyarihan ng Diyos.”1 Nang umagang iyon bumangon ang Propeta, nanalangin sa Panginoon, at, nang mapuspos ng Espiritu ng Panginoon, nangasiwa sa mga maysakit na nasa kanyang bahay, sa bakuran sa labas, at sa tabing ilog. Tumawid siya ng ilog at bumisita sa tahanan ni Brigham Young sa Montrose upang bigyan siya ng basbas na nagpapagaling. Pagkatapos, kasama sina Sidney Rigdon, Brigham Young, at iba pang mga miyembro ng Labindalawa, nagpatuloy siya sa kanyang mahabaging misyon na taglay ang awa sa mga Banal ng Iowa. Ginunita ni Elder Woodruff ang isa sa mga pinaka-hindi malili-mutang pagpapagaling sa araw na iyon:
“Tinawid namin ang liwasan, at pumasok kami sa bahay ni Brother [Elijah] Fordham. Isang oras nang naghihingalo si Brother Fordham, at inasahan naming mamamatay na siya anu-mang sandali. Nadama kong napuspos ng kapangyarihan ng Diyos ang kanyang Propeta. Pagpasok namin sa bahay, lumapit si Brother Joseph kay Brother Fordham, at hinawakan ito sa kanang kamay…. Nakita naming nanlalabo ang mga mata ni Brother Fordham, at hindi siya makapagsalita at walang malay.
“Matapos hawakan ang kamay nito, tinunghayan [ng Propeta] ang mukha ng naghihingalong lalaki at sinabi: ‘Brother Fordham, kilala mo ba ako?’ Noong una ay hindi ito sumagot; ngunit nakita naming lahat ang epekto ng Espiritu ng Diyos sa kanya.
“Muling sinabi [ni Joseph]: ‘Elijah, kilala mo ba ako?’ Sa mahi-nang bulong, sumagot si Brother Fordham, ‘Oo!’ Pagkatapos ay sinabi ng Propeta, ‘Hindi ka ba sumasampalataya na gagaling ka?’
“Ang sagot, na mas malinaw kaysa rati, ay: ‘Nangangamba akong huli na ang lahat. Kung napaaga ka sana, baka sakali pa.’ Parang kagigising pa lamang niya. Nahimlay siya sa kamatayan. Pagkatapos ay sinabi ni Joseph: ‘Hindi ka ba naniniwalang si Jesus ang Cristo?’ ‘Naniniwala ako, Brother Joseph,’ ang sagot niya.
“Pagkatapos ay nagsalita ang Propeta ng Diyos sa malakas na tinig, tulad ng karingalan ng Panguluhang Diyos: ‘Elijah, inuutu-san kita, sa pangalan ni Jesus ng Nasaret, bumangon at ikaw ay gagaling!’
“Hindi tulad ng pagsasalita ng tao ang pagsasalita ng Propeta, kundi tulad ng tinig ng Diyos. Sa tingin ko ay yumanig ang pun-dasyon ng bahay. Lumukso si Elijah Fordham mula sa kanyang kama gaya ng isang taong bumangon mula sa patay. Bumalik ang kulay sa kanyang mukha, at buhay na buhay ang kanyang pagki-los. Nilagyan ng pantapal ang dalawang paa niya. Sinipa niya ito para matanggal, at kumalat ang gamot na inilagay rito, pagkata-pos ay humingi siya ng damit at nagbihis. Humingi siya ng isang mangkok ng tinapay at gatas, at kinain ito; pagkatapos ay isinuot ang kanyang sumbrero at sinundan kami sa daan, para dalawin ang iba pang maysakit.”2
Sa oras ng mahigpit na pangangailangan, nakaranas ang mga Banal ng pagbuhos ng kaloob na pagpapagaling sa mga kamay ng Propeta.
Mga Turo ni Joseph Smith
Mapapagaling ang maysakit sa pamamagitan ng pananampalataya at paggamit ng kapangyarihan ng priesthood, ayon sa kalooban ng Panginoon.
“Ano ang tanda ng pagpapagaling sa maysakit? Ang pagpapatong ng mga kamay ay tanda o paraang itinuro ni Santiago, at ang kaugalian ng mga sinaunang Banal na iniutos ng Panginoon, at hindi natin makakamtan ang pagpapala kung iba ang gagawin natin maliban sa itinuro ng Panginoon [tingnan sa Santiago 5:14–15].”3
Noong Hulyo 1839, nang kalilipat pa lamang ng mga Banal sa Commerce, Illinois, at maraming maysakit sa kanila, itinala ni Joseph Smith: “Maraming nagkasakit sa mga kapatid, gayundin sa mga nakatira sa lugar, kaya nga ang linggong ito at ang sumunod na linggo ay ginugol sa pagdalaw sa mga maysakit at paglilingkod sa kanila; ilan sa kanila ay sapat ang pananampalataya at napagaling; ang iba ay walang sapat na pananampalataya. …
“Linggo 28.—Idinaos ang pulong gaya ng dati. … Nagsalita ako, at isa-isang pinayuhan ang mga miyembro ng Simbahan na ilagay sa ayos ang kanilang mga bahay, upang malinis ang loob ng bandeha, at magkita-kita sa susunod na Sabbath upang maki-bahagi sa Sacrament, upang sa ating pagsunod sa mga orde-nansa, manaig tayong kasama ng Diyos laban sa mapamuksa, at mapagaling ang mga maysakit. Ang buong linggong ito ay ginu-gol ko sa piling ng mga maysakit, na halos lahat ay lumalakas, at bumabalik ang kalusugan.”4
“Marami sa mga matwid ang magkakasakit, papasukan ng salot, at kung anu-ano pa, dahil sa kahinaan ng laman, subalit maliligtas sa Kaharian ng Diyos. Kaya nga hindi banal na tuntu-nin ang sabihin na si ganito at si ganoon ay lumabag kaya sila nagkasakit o namatay, sapagkat lahat ng tao ay mamamatay; at sinabi ng Tagapagligtas, ‘Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan.’ [Tingnan sa Mateo 7:1.]”5
Ibinibigay ang kaloob na makapagsalita sa iba’t ibang wika para maituro ang ebanghelyo sa iba.
Nagsalita ang Propeta sa isang kumperensya ng mga elder noong 1834: “Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Joseph Smith ang kaloob na makapagsalita sa iba’t ibang wika, na partikular itong ibinigay para sa pangangaral ng Ebanghelyo sa ibang mga bansa at wika, ngunit hindi ito ibinigay para sa pamamahala ng Simbahan.”6
“Tungkol sa kaloob na makapagsalita sa iba’t ibang wika, ang masasabi lang natin ay, na sa lugar na ito, natanggap natin ito tulad ng mga sinauna: gayunman, sana’y mag-ingat kayo para hindi kayo malinlang dito. … Walang alinlangang tutudyuhin kayo ni Satanas tungkol sa kaloob na makapagsalita sa iba’t ibang wika, maliban kung kayo ay maingat; hindi ninyo siya mahigpit na mababantayan, ni makapagdarasal nang husto. Nawa’y bigyan kayo ng Panginoon ng talino sa lahat ng bagay.”7
“Nabasa ko ang ika-13 kabanata ng Unang Mga Taga Corinto [sa isang pulong na idinaos noong Disyembre 26, 1841], gayundin ang isang bahagi ng ika-14 na kabanata, sinabi ko na ang kaloob na makapagsalita sa iba’t ibang wika ay kailangan sa Simbahan; … ang kaloob na makapagsalita sa iba’t ibang wika sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo sa Simbahan, ay para sa kapakinabangan ng mga alagad ng Diyos na makapangaral sa mga walang paniniwala, tulad noong panahon ng Pentecostes.”8
“Binigyan tayo ng mga wika upang makapangaral sa mga taong ang wika ay hindi maunawaan; tulad noong panahon ng Pentecostes, at iba pa, at hindi kailangang magturo ng mga wika lalo na sa Simbahan, sapagkat sinuman na kinasihan ng Espiritu Santo, ay masasabi ang mga bagay ng Diyos sa sarili niyang wika at makapagsasalita rin sa iba’t ibang wika; sapagkat ang pana-nampalataya ay dumarating hindi sa pamamagitan ng mga tanda, kundi sa pakikinig sa salita ng Diyos.”9
“Huwag kayong mag-usisa tungkol sa mga wika, huwag mag-salita sa mga wika maliban kung may magpapaliwanag niyon; ang mahalagang layon ng mga wika ay makapagsalita sa mga dayuhan, at kung ang mga tao ay napakasabik na ipagyabang ang kanilang talino, hayaan silang magsalita sa sarili nilang wika. Ang mga kaloob ng Diyos ay malaking pakinabang sa kanilang lugar, ngunit kapag ginamit ito sa hindi nilayon ng Diyos, nakakasama ito, nagiging isang bitag at sumpa sa halip na pagpapala.” 10
“Nagkaroon din kami ng mga miyembrong lalaki at babaeng nagkunwaring may kaloob na makapagsalita ng iba’t ibang wika; nagsalita sila sa paungul-ungol at di natural na boses, at nami-milipit ang kanilang mga katawan …; samantalang wala namang hindi natural sa Espiritu ng Diyos.”11
“Huwag gamitin ang kaloob na makapagsalita sa iba’t ibang wika nang hindi ito nauunawaan, o walang paliwanag. Nakapagsasalita ang diyablo sa iba’t ibang wika; gagawin ng kalaban ang kanyang gawain; matutukso niya ang lahat ng klase ng tao; makapagsasalita siya ng Ingles o Dutch. Huwag pagsali-tain ang sinuman sa iba’t ibang wika kung hindi rin lang siya magpapaliwanag, maliban kung sumang-ayon ang isang namu-muno; sa gayon ay makahihiwatig siya o makapagpapaliwanag, o kaya’y ibang tao ang gagawa niyon.”12
“Kung mayroon kayong ihahayag, sabihin ito sa sarili ninyong wika; huwag masyadong gamitin ang kaloob na makapagsalita sa iba’t ibang wika, o baka samantalahin ng diyablo ang walang malay at walang alam. Maaari kayong magsalita sa iba’t ibang wika kung makakaginhawa sa inyo, ngunit inilalahad ko ito bilang tuntunin, na kung may ituro man sa pamamagitan ng kaloob na makapagsalita ng iba’t ibang wika, hindi ito dapat tanggapin bilang doktrina.”13
Bagama’t iisang tao lang ang nagsasalita bilang propeta ng Simbahan, binibigyang-kakayahan ng espiritu ng propesiya ang lahat na magpatotoo kay Jesucristo.
“Walang lingkod ni Jesucristo na hindi isang Propeta. Walang taong maaaring maging lingkod ni Jesucristo maliban kung siya ay may patotoo kay Jesus; at ito ang diwa ng propesiya [tingnan sa Apocalipsis 19:10].”14
hindi tumatanggap ng paghahayag para sa kanyang sarili ay isu-sumpa, sapagkat ang patotoo kay Jesus ang espiritu ng propesiya. Sapagkat sinabi ni Cristo, humingi at ikaw ay tatanggap; at kung tumanggap nga siya ng anuman, ang tanong ko, hindi ba ito ay isang paghahayag? At ang sinuman na walang patotoo kay Jesus o sa espiritu ng Diyos ay hindi sa kanya, ibig sabihi’y kay Cristo. At kung hindi siya sa kanya, dapat siyang isumpa.”15
Itinala ng isang bisita sa Nauvoo na itinuro ni Joseph Smith ang sumusunod sa isang pag-uusap: “Si Propetang Joseph Smith ay [nagsabi na] … para maging lingkod ni Jesus, dapat magpatotoo ang isang tao tungkol kay Jesus; at para magpatotoo kay Jesus, dapat magkaroon ng espiritu ng propesiya ang isang tao; sapagkat, ayon kay Juan, ang patotoo kay Jesus ang espiritu ng propesiya.
“Kung sabihin ng isang tao na siya ay lingkod ni Jesus at wala siyang espiritu ng propesiya, isa siyang bulaang saksi, sapagkat wala siya ng kaloob na iyon na nagpapagindapat sa kanya sa katungkulang iyon; at ang pagkakaiba sa pagitan [ni Joseph Smith] at ng mga pastor sa henerasyong ito ay, sinasabi niya na taglay niya ang espiritung iyon ng propesiya na nagpapagindapat sa kanya na magpatotoo kay Jesus at sa Ebanghelyo ng kaligta-san; at itinatatwa ng mga pastor ang espiritung iyon, maging ang espiritu ng propesiya, na siyang tanging hihirang sa kanila na mga tunay na saksi o tagapagpatotoo sa Panginoong Jesucristo, gayunman sila raw ay mga tunay na lingkod ng kaligtasan.”16
“Natatamo ang pananampalataya sa pakikinig sa salita ng Diyos, sa pamamagitan ng patotoo ng mga alagad ng Diyos; ang patotoong iyon ay lagi nang dinadaluhan ng Espiritu ng prope-siya at paghahayag.”17
Ang kaloob na paghiwatig sa mga espiritu ay nagtutulot sa mga nananalig na matukoy ang kaibhan ng impluwensya ng mabubuti sa masasamang espiritu.
ng kasamaan o mga bulaang espiritu, sa paniniwalang sila ay nasa ilalim ng impluwensya ng Espiritu Santo. Itinuro ni Propetang Joseph Smith: “Dahil sa mga nangyari sa aming buhay kamakailan napilitan akong sabihin ang isang bagay na may kina-laman sa mga espiritung nagpapakilos sa mga tao.
“Makikita sa mga sulat ng mga Apostol [sa Bagong Tipan], na maraming bulaang espiritung umiral sa kanilang panahon, at ‘ngayo’y nasa sanglibutan na,’ at Diyos lamang ang maaaring magkaloob ng talinong kailangan upang matukoy ang mga bula-ang espiritu, at mapatunayan kung anong mga espiritu ang sa Diyos [tingnan sa I Juan 4:1–4]. Karaniwan ay walang kaalam-alam ang mundo hinggil sa bagay na ito, at bakit naman hindi— ‘sapagkat walang sinumang nakaaalam ng mga bagay ng Diyos, maliban sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos.’ [Tingnan sa I Mga Taga Corinto 2:11.]…
“Sa bawat panahon, lagi nang parang kulang ang pang-unawa hinggil sa paksang ito. Lahat ng uri ng espiritu ay nakita na, sa bawat panahon, at halos sa lahat ng tao… . Lahat ng tao ay nani-niwala sa sarili nilang uri ng espiritu, lahat ay naniniwala na ang kanilang espiritu ay may kapangyarihang higit pa sa karaniwan, at iginigiit ng lahat na ang kanilang espiritu ay sa Diyos. Sino ang makakatuklas sa hiwaga? ‘Inyong subukin ang mga espiritu,’ sabi ni Juan [I Juan 4:1], ngunit sino ang gagawa niyon? Ang may pinag-aralan, ang mahusay magsalita, ang pilosopo, ang pantas, ang pastor—lahat ay walang alam. … Sino ang makapaglalantad sa liwanag at makatutuklas sa mga nakatagong hiwaga ng mga bulaang espiritu na napakadalas magpakita sa mga Banal sa mga Huling Araw? Isinasagot namin na walang taong makagagawa nito na walang Priesthood, at kaalaman sa mga batas na nama-mahala sa mga espiritu; sapagkat kung ‘walang sinumang nakaa-alam ng mga bagay ng Diyos, maliban sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos,’ wala ring sinumang nakaaalam ng espiritu ng diyablo, at ng kanyang kapangyarihan at impluwensya, kundi sa pamamagitan ng pagtatamo ng katalinuhang higit pa sa talino ng tao, at pagtuklas ng mga hiwaga ng kanyang mga plano sa pama-magitan ng Priesthood. …
“Kailangan ay makahiwatig ng mga espiritu ang tao bago niya mailantad ang malaimpiyernong impluwensyang ito at maipakita sa mundo ang lahat ng pangwawasak ng kaluluwa, makade-monyo, at kasindak-sindak na anyo nito; sapagkat walang higit na kapahamakan sa mga anak ng tao maliban sa pag-aakalang nasa panig nila ang Espiritu ng Diyos gayong sila ay nasa ilalim ng impluwensya ng bulaang espiritu. Libu-libo na ang nakadama ng impluwensya ng kahindik-hindik na kapangyarihan at mapangwasak na mga epekto nito. …
“Tulad ng napuna natin noon, malaking problema ang kawa-lan ng kaalaman tungkol sa likas na katangian ng mga espiritu, sa mga batas na namamahala rito, at sa mga tanda para makilala ang mga ito; kung kailangan ang Espiritu ng Diyos para malaman ang mga bagay ng Diyos; at malalantad lamang ang espiritu ng diyablo sa pamamagitan niyon, sa gayon ay natural lamang na manatili silang walang alam tungkol sa mga alituntuning ito mag-pakailanman maliban kung may tao o mga taong may komuni-kasyon, o paghahayag mula sa Diyos, na nagpapakita sa kanila ng gawain ng espiritu; sapagkat iginigiit ko na kung hindi mauna-waan ng isang tao ang mga bagay na ito kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi rin ito mauunawaan ng sampung libong tao; hindi rin ito abot ng talino ng may pinag-aralan, ng dila ng mahusay magsalita, ng kapangyarihan ng malakas. At ito ang ipapasiya natin sa huli, anuman ang iniisip natin tungkol sa paghahayag, na kung wala ito ay hindi natin malalaman ni mau-unawaan ang anumang bagay ng Diyos, o ng diyablo; at gaano man ang pagtanggi ng mundo na kilalanin ang alituntuning ito, kitang-kita mula sa iba’t ibang doktrina at ideya hinggil sa bagay na ito na wala silang nauunawaan sa alituntuning ito, at maliwa-nag din na kung walang banal na komunikasyon kailangan nilang manatiling walang alam. …
“Kailangang makahiwatig ng mga espiritu ang isang tao, tulad ng sinabi natin noon, upang maunawaan ang mga bagay na ito, at paano niya makakamtan ang kaloob na ito kung walang mga kaloob ng Espiritu? At paano makakamtan ang mga kaloob na ito kung walang paghahayag? ‘Umakyat si Cristo sa langit, at nagbigay ng mga kaloob sa tao; at pinagkalooban ang iba na maging mga Apostol, at ang iba’y mga Propeta, at ang iba’y mga Evangelista, at ang iba’y mga Pastor at Guro’ [tingnan sa mga Efeso 4:8, 11]. At paano pinili ang mga Apostol, Propeta, Pastor, Guro at Evangelista? Sa pamamagitan ng propesiya (paghahayag) at pag-papatong ng mga kamay:—sa pamamagitan ng banal na komuni-kasyon, at ordenansang itinalaga ng langit—sa pamamagitan ng Priesthood, na inorganisa ayon sa orden ng Diyos, sa banal na pagtatalaga. Hawak ng mga Apostol noong sinaunang panahon ang mga susi ng Priesthood na ito—ang mga hiwaga ng kaharian ng Diyos, at bunga nito nagawa nilang buksan at kalasin ang lahat ng bagay tungkol sa pamamahala ng Simbahan, sa kapakanan ng lipunan, sa tadhana ng tao sa hinaharap, at sa kalayaang pumili, kapangyarihan at impluwensya ng mga espiritu; sapagkat mapipi-gil nila ang mga ito kung gusto nila, mapapalayas nila ang mga ito sa pangalan ni Jesus, at malalaman ang mga ginagawa nitong kahangalan at kababalaghan kapag tinatangka nilang linlangin ang Simbahan sa pagkukunwaring sila ay banal, at hinahadlangan ang kapakanan ng Simbahan at paglaganap ng katotohanan… .
“… Ang ating Tagapagligtas, mga Apostol, at maging mga miyembro ng Simbahan ay pinagkalooban ng kaloob na ito, sapagkat, sabi ni Pablo, ‘Sa isa’y [ibinigay] ang iba’t ibang wika; at sa iba’y ang pagpapaliwanag ng mga wika, sa iba’y ang pag-gawa ng mga himala; at iba’y propesiya, at sa iba’y ang pagkilala sa mga espiritu.’ [Tingnan sa I Mga Taga Corinto 12:10.] Lahat ng ito ay nagmula sa iisang Espiritu ng Diyos, at mga kaloob ng Diyos… . Walang sinumang tao o grupo ng mga tao na walang regular na itinalagang awtoridad, walang Priesthood at paghi-watig sa mga espiritu, ang makahihiwatig sa mga bulaang espiritu.”18
“Laganap ang mga sinungaling na espiritu sa mundo. Magkakaroon ng mga dakilang pagpapakita ng mga espiritu, kapwa bulaan at totoo… . Hindi lahat ng espiritu, o pangitain, o pag-awit, ay maka-Diyos…. Ang kaloob na paghiwatig ng mga espiritu ay ibibigay sa Presiding Elder. Ipagdasal siya nang mapa-sakanya ang kaloob na ito.”19
Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Pagtuturo
Pag-isipan ang mga ideyang ito sa pag-aaral ninyo ng kabanata o paghahandang magturo. Para sa karagdagang tulong, tingnan sa mga pahina vii–xiv.
-
Repasuhin ang kuwento sa mga pahina 445–47. Paano maka-tutulong ang kuwentong ito sa mga maytaglay ng Melchizedek Priesthood sa paghahandang maglingkod sa maysakit? Paano ito makatutulong sa atin kapag kailangan natin ng basbas ng priesthood? Sa inyong palagay bakit mahalagang ipahayag ni Brother Fordham ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo sa oras na iyon?
-
Repasuhin ang mga turo ni Propetang Joseph sa mga pahina 447–48. Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo para maunawaan ang kapangyarihan ng priesthood sa pagpapaga-ling sa maysakit? Anong mga alituntunin ang dapat gumabay sa atin sa pagbabahagi ng ating mga karanasan sa pagpapaga-ling sa maysakit? Bakit hindi gumagaling ang ilang tao, kahit sumampalataya sila at tumanggap ng mga basbas ng priest-hood?
-
Sinabi ni Joseph Smith na ang kaloob na makapagsalita ng iba’t ibang wika ay “partikular na itinatag para sa pangangaral ng Ebanghelyo sa ibang mga bansa at wika” (tingnan sa mga pahina 448–50). Paano nakatulong ang kaloob na ito sa pag-papalaganap ng ebanghelyo sa buong mundo? Paano ninyo natanggap o ng ibang kakilala ninyo ang kaloob na makapag-salita ng iba’t ibang wika upang makatulong sa pangangaral ng ebanghelyo?
-
Repasuhin ang mga turo ng Propeta tungkol sa espiritu ng propesiya (mga pahina 450–51). Ano ang kabuluhan sa inyo na malamang bawat miyembro ng Simbahan ay maaaring mag-karoon ng espiritu ng propesiya?
-
Repasuhin ang mga turo ng Propeta tungkol sa kaloob na pag-hiwatig sa mga espiritu (mga pahina 451–54). Ano ang kaloob na paghiwatig sa mga espiritu? Paano natin maiiwasang malin- lang ng masasamang impluwensya? Paano tayo natutulungan ng kasalukuyan nating propeta at ng iba pang mga lider ng Simbahan na mahiwatigan ang masasamang impluwensya?
Kaugnay na mga Banal na Kasulatan: I Mga Taga Corinto 12:1–31; 14:1–6, 22–28; Santiago 5:14–15; Moroni 10:8–17; D at T 46:1–33; 50:1–36, 40–44; 52:14–19