2010–2019
Ulat ng Church Auditing Department, 2016
Abril 2017


1:28

Ulat ng Church Auditing Department, 2016

Sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Mahal kong mga Kapatid: Ayon sa patnubay ng paghahayag sa bahagi 120 ng Doktrina at mga Tipan, ang Council on the Disposition of the Tithes—na binubuo ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Presiding Bishopric—ang nagbibigay ng awtoridad sa paggastos ng pondo ng Simbahan. Ang mga entidad ng Simbahan ay namamahagi ng pondo alinsunod sa inaprubahang mga budget, patakaran, at pamamaraan.

Ang Church Auditing Department, na binubuo ng mga sertipikadong propesyonal at hindi sakop ng iba pang mga departamento ng Simbahan, ay may responsibilidad na magsagawa ng mga audit para makapaglaan ng makatwirang katiyakan tungkol sa mga kontribusyong natanggap, paggastos na ginawa, at pangangalaga sa mga ari-arian ng Simbahan.

Batay sa isinagawang mga audit, ang opinyon ng Church Auditing Department ay na, sa lahat ng mahahalagang bagay, ang mga kontribusyong natanggap, paggastos na ginawa, at mga ari-arian ng Simbahan para sa taong 2016 ay naitala at napangasiwaan alinsunod sa mga budget, patakaran, at pamamaraan sa accounting na inaprubahan ng Simbahan. Sinusunod ng Simbahan ang mga pamamaraang itinuro sa mga miyembro nito na mamuhay ayon sa budget, umiwas sa utang, at mag-ipon para sa oras ng pangangailangan.

Buong paggalang na isinumite,

Church Auditing Department

Kevin R. Jergensen

Managing Director