Isang Panalangin sa Ama sa Langit
“Manalangin kayo sa inyong mag-anak sa Ama, lagi sa aking pangalan, nang ang inyong mga asawa at inyong mga anak ay pagpalain” (3 Nephi 18:21).
-
Haruki, oras na para matulog. Nagdasal ka na ba?
Hindi pa po.
-
Sasamahan ka naming magdasal.
-
Lumuhod si Haruki at nagsimulang magdasal.
Salamat po sa aking pamilya, bahay, mga kaibigan, at mga laruan ko. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.
-
Haruki, maganda ang panalangin mo, pero nalimutan mong sabihin sa simula ang, “Ama sa Langit.”
Bakit ko po iyon kailangang sabihin?
-
Kapag nagdarasal tayo, kinakausap natin ang Ama sa Langit. Mahal Niya tayo.
Kapag nagdarasal tayo sa Kanya, mapapasalamatan natin Siya sa lahat ng ibinibigay Niya sa atin. Maaari din tayong humiling sa Kanya ng mga bagay na kailangan natin.
-
Mahal ako ng Ama sa Langit?
Oo, mahal ka Niya. Ano ang pakiramdam mo roon?
-
Gusto ko pong magdasal ulit!
-
Ama sa Langit, salamat po …