Mga Kuwento mula sa Kumperensya
Isang Aklat na Nagpapabago ng Buhay
“Mas ilalapit kayo nito [ng Aklat ni Mormon] sa Diyos kaysa anupamang ibang aklat. Patitinuin nito ang buhay. Hinihimok kong gawin ninyo ang ginawa ng kompanyon ko sa misyon. Naglayas siya sa kanila noong tinedyer pa siya, at may naglagay ng Aklat ni Mormon sa isang kahong dala-dala niya sa paghahanap niya ng higit na kaligayahan.
“Lumipas ang mga taon. Nagpalipat-lipat siya ng lugar sa iba’t ibang panig ng mundo. Nag-iisa siya at malungkot isang araw nang makita niya ang kahon. Puno ang kahon ng mga bagay na dinala niya. Sa pinakailalim ng kahon, nakita niya ang Aklat ni Mormon. Binasa niya ang pangako rito at sinubukan iyon. Alam niyang iyon ay totoo. Binago ng patotoong iyon ang kanyang buhay. Naging maligaya siya nang higit pa sa pinapangarap niya.
“Maaaring hindi ninyo nababasa ang inyong Aklat ni Mormon na tulad ng nararapat dahil sa araw-araw ninyong responsibilidad at aktibidad. Isinasamo ko na basahin ninyong mabuti at madalas ang mga pahina nito. Naroon ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo, na siyang tanging daan pabalik sa Diyos.”
Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Isang Saksi,” Liahona, Nob. 2011, 70–71.
Mga tanong na pag-iisipan:
-
Ano ang maaaring hindi ninyo nakikita sa inyong Aklat ni Mormon tungkol sa buhay ninyo?
-
Ano ang magagawa ninyo upang pag-igihin ang pag-aaral ninyo ng Aklat ni Mormon?
-
Anong mga aral mula sa Aklat ni Mormon ang nakatulong para mapabuti ang inyong buhay?
Isiping isulat ang inyong mga ideya sa isang journal o talakayin ang mga ito sa iba.