2012
Ang Aking Panalanging May Pananampalataya
Pebrero 2012


Mga Kabataan

Mabisang Panalangin

Ang panalangin ay isa sa mga pinakamaganda at pinakamahalagang paraan para makaugnayan at makausap ang ating Ama sa Langit at maaliw Niya tayo.Habang nagdarasal ako isang gabi, naisip ko kung ano ang kailangan ng aking pamilya, ano ang pinasasalamatan ko, at ano rin ang kailangan kong pagsisihan. Pagkatapos kong magdasal, naisip ko ang maraming makamundong bagay na madaling makagambala sa pagkakamit ko ng aking mga mithiin.

Ngunit sa aking mga panalangin, nadarama ko na kung taos at mapakumbaba akong nagdarasal, gumagaan ang aking mga pasanin, nahuhugasan ang aking mga kasalanan, at nasasagot ang aking mga problema. Nalalaman ko kung gaano ako kalapit sa Diyos habang nagdarasal ako. Ipinapakita nito sa akin kung gaano tayo kahalagang lahat sa mga mata ng Diyos. Pinatototohanan ko na ang panalangin ay isa sa mga pinakamabisa at mahalagang bagay na magagawa natin.

Print