Hindi Naka-plug
Sa dami ng nakatutuwang teknolohiya sa paligid natin, napakadaling pag-ukulan ng oras ang mga ito kaysa mas mahahalagang aktibidad tulad ng pagbabasa, paglalaro sa labas, o paggugol ng oras sa pamilya at mga kaibigan. Ilan sa ating mga mambabasa at kanilang pamilya ang nakaisip ng mga paraan para mabalanse ang kanilang buhay—na isinasaisip na nananahan ang Espiritu sa masasaya at mabubuting tahanan.
Nag-download kami ng mga kuwento sa mga banal na kasulatan at angkop na musika sa aming mga MP3 player. Nakalagay ang computer namin sa lugar na makikita ng lahat. Hindi kami nanonood ng TV bago pumasok sa paaralan o hanggang hindi tapos ang aming homework at gawain sa bahay sa hapon. May mga programa sa TV namin na naka-block para hindi na mapanood. Sa halip na manood ng TV, naglalaro kami sa labas, tumutulong sa hardin, o naglalaro ng board games nang sama-sama. Kapag balanse ang ating buhay, mas tahimik at payapa ang ating tahanan.
Sarah, Steven, Christie, at Jason L.; edad 7, 15, 20, at 18; Queensland, Australia
Sa aming pamilya nakakakuha kami ng “TV Tickets” sa simula ng linggo. Ang isang tiket ay katumbas ng isang oras na panonood ng TV. Sa likod ng bawat tiket ay may listahan ng mga kailangang gawin bago namin magamit ang tiket, tulad ng paglilinis ng kuwarto, paggawa ng homework, at mga gawaing-bahay. Sa halip na laging gumamit ng teknolohiya, gusto naming magbasa, sama-samang maglaro, at maglaro sa labas kasama ng aming mga kaibigan.
Trevor at Nicolette C., edad 10 at 13, Utah, USA
Sa halip na laging manood ng TV, gusto naming magbasa! At pagkatapos ng lahat ng gawain namin at malinis na ang bahay, maaari na kaming mag-Internet. Gumagamit kami ng timer para masundan namin ang oras na ginugugol namin sa computer.
Ellie, Jared, Ethan, at Abby H.; edad 8, 11, 2, at 6; California, USA