Ang Ating Ama sa Langit
Natututo tayo tungkol sa Ama sa Langit sa simula pa lamang ng karanasan natin sa Simbahan—mula sa una nating panalangin hanggang sa unang pagkanta natin ng “Ako ay Anak ng Diyos” (Mga Himno, blg. 189). Ang alam ng mga Banal sa mga Huling Araw tungkol sa Diyos Ama ay kakaiba, at ito ang gumagawa ng malaking kaibhan sa atin.
Pagkakita sa Ama
Narito ang tatlong salaysay sa banal na kasulatan tungkol sa mga taong nakakita sa Ama:
-
Esteban (tingnan sa Mga Gawa 7:56)
-
Joseph Smith (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:17)
-
Joseph Smith at Sidney Rigdon (tingnan sa D at T 76:20)
Ngunit, tulad ng sabi ni Jesus, “ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama” (Juan 14:9).
Pakikinig sa Ama
Kapag nangungusap ang Diyos Ama, pinatototohanan Niya ang Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo. Halimbawa:
-
Sa binyag ni Jesus (tingnan sa Mateo 3:17)
-
Sa Bundok ng Pagbabagong-anyo kina Pedro, Santiago, at Juan (tingnan sa Mateo 17:5)
-
Sa paghahayag kay Nephi (tingnan sa 2 Nephi 31:11, 15)
-
Sa pagpapakita ni Jesus sa lupalop ng Amerika (tingnan sa 3 Nephi 11:7)
-
Sa Unang Pangitain (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:17)