2012
Ang Bahaging para sa Atin
Pebrero 2012


Ang Bahaging para sa Atin

Paano Magkaroon ng Malinis na Isipan

Ang mga taong kayang kontrolin ang kanilang isipan ay mga taong kayang supilin ang kanilang sarili, sabi ni Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.1 Ang isang paraan para makontrol ang inyong isipan ay piliin ang inyong paboritong himno at magkaroon ng retrato o larawan ng templo. Idispley ang larawan sa inyong kuwarto. Tuwing may makikita kayong tao na mahalay ang pananamit, repasuhing mabuti ang himno sa inyong isipan o isipin ang templo. Kung hindi mawala sa inyong isipan ang maruruming kaisipan, manalangin at mag-ayuno para malimutan ang mga ito.

Joseph D., edad 20, Haiti

Tala

  1. Tingnan sa Boyd K. Packer, “Karapat-dapat na Tugtugin, mga Karapat-dapat na Kaisipan,” Liahona, Abr. 2008, 31.

Huwag Mawalan ng Pag-asa

Ang isa sa mga pagsubok na pinagtiisan ng aming pamilya ay nang magkasakit ang panganay kong kapatid na lalaki na kalaunan ay namatay. Talagang napakahirap niyon sa amin noong una, ngunit nalagpasan ng aming pamilya ang pagsubok na iyon. Dahil nabuklod sa templo ang aming pamilya, alam namin na muli naming makakapiling ang kuya ko kasama ang Ama sa Langit at si Jesucristo pagdating ng tamang panahon.

Alam ko na ang pagsubok na ito ay isa sa mga paraan na inihanda kami ng Panginoon para sa iba pang mga pagsubok—upang tulungan kaming maging mas malakas. Lahat ay may titiising mga pagsubok, at alam ng ating Ama sa Langit na malalagpasan natin ang mga ito. Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.

Carmila R., edad 18, Southern Tagalog, Philippines

Masyadong Maraming Patakaran?

Nitong nakaraang taon naisip ko na napakaraming patakaran sa Simbahan, at naisip ko, “Paano naging masaya sa langit?” Damdam ko ay para akong nakatali sa Simbahan at imposible akong makawala.

Noon ko pinagmasdan ang buhay ng aking mga kaibigan. Bakit hindi ko pinagdaanan ang ilan sa mga pagsubok nila? Isang gabi bigla ko itong naunawaan—hindi ko dinanas iyon dahil sinunod ko ang mga patakarang ibinigay sa akin ng Ama sa Langit. Naisip ko rin na kung susundin mo ang mga patakaran, maaari kang lumigaya at makabuo ng isang pamilya at mamuhay nang walang hanggan sa piling ng Ama sa Langit at ni Jesus.

Stephanie H., edad 13, Utah, USA

“Mga panda … tsek. Mga baboy … tsek. Mga porcupine …”

Paglalarawan ni Val Chadwick Bagley

Larawan ng Salt Lake Temple na kuha ni Craig Dimond