Komentaryo
Nadarama Ko ang Espiritu Kapag Nagbabasa Ako
Pinasasalamatan ko ang lahat ng pagsisikap para magawa ang Liahona, at nadarama ko ang Espiritu kapag binabasa ko ito. Nitong huli ay pinag-aaralan ko at pinagninilayan ang mensahe ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na, “Paghihintay sa Daan Patungong Damasco” (Liahona, Mayo 2011, 70). Ito at ang iba pang mga artikulo sa magasin ay nakatulong sa akin na magpakabuti pa at makahanap ng mga solusyon sa mga kahinaan ko.
Elder Emined Edward Ashaba, South Africa Durban Mission
Mga Mensahe mula sa Diyos
Sa Liahona nakakakita ako ng mga mensahe mula sa Diyos—na ipinadala sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod, ang mga buhay na propeta at apostol. Ang mga naghahanap ng espirituwal na patnubay ay madali itong matatagpuan kung taos-puso nilang pag-aaralan ang magasin.
Manuel de Araujo Fernandes, Mozambique
Lagi Akong Nakakakita ng mga Sagot
Ang Liahona ay nagpapalakas sa aking patotoo na mahal at pinagmamalasakitan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang bawat isa sa atin. Nasasabik akong basahin ang magasin buwan-buwan dahil lagi akong nakakakita ng mga sagot sa aking mga dalangin. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong matanggap ang mga salita ng Panginoon sa ganitong paraan.
Carlota A. Bosotros, Pilipinas