2012
Maiikling Balita sa Buong Mundo
Pebrero 2012


Maiikling Balita sa Buong Mundo

Pinakinggan ng mga Banal ang Kumperensya sa Wikang Georgian sa Unang Pagkakataon

Noong Oktubre 9, 2011, isang kongregasyon ng 35 mga Banal ang nagtipon upang panoorin ang pangkalahatang kumperensya—at pakinggan ito sa kanilang katutubong wikang Georgian sa unang pagkakataon. Bago sumapit ang Oktubre, tinatayang 50 aktibong miyembro sa bansa ang nagkaroon ng opsiyon na pakinggan ang kumperensya sa Russian, Armenian, o Ingles. Gayunman, marami ang Georgian lang ang sinasalita, kaya ang interpretasyon sa wikang iyon ay naging isang mahalagang kaganapan.

“Tuwang-tuwa akong marinig ang mensahe ni Pangulong Thomas S. Monson sa Georgian,” sabi ni Lela Tsnobiladze. “Malaking kaibhan ang nagagawa ng pakikinig sa kumperensya sa iyong katutubong wika.”

Tumugon ang Simbahan sa Pinsalang Dulot ng Bagyo sa Pilipinas

Kasunod ng mga Bagyong Nesat at Nalgae sa Pilipinas noong Setyembre, na nakaapekto sa halos 200,000 katao, tumugon ang Church Area Welfare Department sa pamamagitan ng pagpapadala ng 600 sako ng bigas sa Pampanga. Ang Social Action Center of Pampanga ng Archdiocese of San Fernando Pampanga, isang katuwang na organisasyong hindi pag-aari ng gobyerno, ang namahala sa pamamahagi ng ibinigay na bigas.

Nagtulungan ang mga boluntaryong Katoliko at LDS sa pagbabalot at pamamahagi ng donasyong bigas sa 352 apektadong mga nayon sa Pampanga.

Nakibahagi ang mga Miyembrong Aprikano sa Limang Araw na Paglilingkod

Sa loob ng limang taon, nakibahagi ang mga miyembro sa Africa sa All-Africa Mormon Helping Hands Day, isang pagtutulungan ng Africa Southeast at Africa West Areas. Isang araw sa bawat taon, nagbibigay ang mga miyembro sa mga lugar na ito ng iba’t ibang uri ng paglilingkod sa mga komunidad sa kanilang lugar. Ang kaganapan sa taong ito ay idinaos noong Agosto 20, 2011; ang mga ulat tungkol sa ilan sa mga proyekto ay mababasa sa news.lds.org.

Ang mga Banal sa Lagos, Nigeria, ay nakibahagi sa All-Africa Helping Hands Day noong Agosto 20, 2011.

larawang kuha ni ebere evans

Print