2014
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Mayo 2014


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Neil L. Andersen

(18) Ipinagtanggol ng isang Laurel ang tradisyonal na kasal kahit binatikos siya at binansagan ng kung anu-anong pangalan.

M. Russell Ballard

(78) Nag-follow up si M. Russell Ballard kay Barbara Bowen, na nakilala niya sa isang sayawan sa kolehiyo, nagsimula silang magdeyt, at kalaunan ay nagpakasal. Inanyayahan ng isang walong-taong-gulang na batang lalaki ang kanyang kaibigan at pamilya nito sa ward open house sa Buenos Aires.

David A. Bednar

(87) Nakabuwelo ang trak sa niyebe matapos itong mapuno ng mabigat na kargada ng panggatong.

Linda K. Burton

(122) Nanatiling tapat ang isang dalagita sa Pilipinas sa kanyang mga tipan. Tinuruan ng isang Haponesa ang mga missionary nang bumisita ito sa Korea.

Quentin L. Cook

(44) Sinulatan ni Vilate Kimball ang kanyang asawa tungkol sa “napakagandang doktrina” ng binyag para sa mga patay, na inihayag ni Joseph Smith.

Henry B. Eyring

(22) Nandayuhan si Heinrich Eyring sa Amerika, sumapi sa Simbahan, tapat na naglingkod sa tatlong misyon, at nag-iwan ng pamana ng pag-asa sa kanyang pamilya.

(62) Hinubog si Henry B. Eyring ng mga idolo niya noong bata pa siya: ang kanyang ama, kanyang lider sa Aaronic Priesthood, isang sundalong Amerikano, at ang manlalaro ng baseball na si Joe DiMaggio.

(125) Apatnapung taon matapos tawagin para turuan si Kathy Johnson (magiging asawa ni Henry B. Eyring), nagpakita pa rin si Ruby Haight ng pagmamahal at malasakit sa kanya.

Donald L. Hallstrom

(53) Sa kabila ng mga pisikal na limitasyon, isang matapat na lalaki sa India ang nagmisyon at naghanda siya at ang kanyang pamilya na mabuklod sa Hong Kong China Temple.

Jeffrey R. Holland

(6) Walang kibong lumayo ang dalawang sister missionary sa isang lalaking nagsalita sa kanila ng masama, nambato sa kanila ng pagkain, at tinangkang sampalin ang isa sa kanila.

Thomas S. Monson

(66) Nanalangin gabi-gabi ang isang 18-taong-gulang na marino sa kabila ng mga pangungutya ng ibang mga kasama niya sa pulutong. Nagpatotoo ang isang binatilyo sa sacrament meeting ngunit nakita siya kinalaunan sa araw na iyon na naninigarilyo.

(91) Naging matalik na magkaibigan ang dalawang babae matapos tulungan ng isa ang isa pa na matutuhan ang kanyang trabaho bilang mananahi sa isang pagawaan ng damit. Hindi nagreklamo ang mga pasahero ng isang eroplano nang lumihis ang kanilang eroplano sa kanilang destinasyon para sunduin ang isang sugatang batang lalaki at ilipad ito patungo sa ospital. Nagsisi ang isang babae sa hindi pagpayag na makiraan ang isang kapitbahay sa kanyang lupain.

Russell M. Nelson

(29) Nagpakita ng tapang at pananampalataya ang anak ni Russell M. Nelson na si Emily habang malala ang lagay niya sa sakit na kanser.

Bonnie L. Oscarson

(119) Natutong magalak ang isang batang babae sa paglilingkod sa iba nang alagaan nila ng kanyang ina ang isang babaeng may multiple sclerosis. Tinawag ang 81-taong-gulang na miyembrong babae para ibahagi ang kanyang karunungan, karanasan, at halimbawa bilang Mia Maid adviser sa ward.

Boyd K. Packer

(94) Tumanggap si Boyd K. Packer ng espirituwal na pahiwatig ng katotohanan ng ebanghelyo habang nagdarasal sa isang bunker noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ronald A. Rasband

(9) Natangay ng buhawi ang isang batang babaeng mag-aaral na nasa ikalimang baitang at pinrotektahan siya ng mga anghel.

Linda S. Reeves

(15) Itinuro ni Linda S. Reeves sa kanyang anak na babae kung paano makadarama ng kapanatagan ng kalooban sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas matapos makakita ang anak ng nakagagambalang mga larawan sa telebisyon.

Randall L. Ridd

(56) Nagpasiyang magmisyon ang isang binata sa halip na mag-asawa matapos niyang maunawaan kung sino siya sa premortal na daigdig.

Richard G. Scott

(32) Ang pagmamahal at halimbawa ng lola at ng magiging asawa ni Richard G. Scott ay nakatulong sa kanyang espirituwal na pag-unlad.

Jean A. Stevens

(81) Nadama ni Jean A. Stevens na dapat niyang aluking sumakay sa sasakyan niya ang isang binatilyong pauwi na naiwan ng bus sa paaralan. Kumapit nang mahigpit ang mga miyembro ng pamilya Gatrell sa ebanghelyo nang masuring may malalang kanser si Brother Gatrell.

Gary E. Stevenson

(84) Nanalo ng medalyang pilak ang LDS Olympian na si Noelle Pikus-Pace sa larong skeleton pagkaraan ng maraming taon ng pagsasanay at paghahanda. Nagpakita ng pagmamahal na katulad ni Cristo ang LDS Olympian na si Torah Bright nang yakapin niya ang isang kinakabahang kalaban sa half-pipe.

Michael John U. Teh

(106) Nanatiling tapat sa ebanghelyo ang isang 73-taong-gulang na Pilipina pagkatapos ng lindol at bagyo na pumatay sa kanyang pamilya.

William R. Walker

(97) Sumapi sa Simbahan sina Robert at Maria Harris at nanatili silang totoo at tapat sa ebanghelyo sa kabila ng hirap at pagkawalay.

Claudio D. Zivic

(39) Nagkamali ng landas na tatahakin si Claudio D. Zivic nang sundan niya ang isa pang hiker.

W. Craig Zwick

(41) Nagpakita ng pagmamahal sa isa’t isa si W. Craig Zwick at ang kanyang asawa matapos tumalon ang huli mula sa loob ng kanilang semitruck na puno ng usok kasama ang kanilang sanggol na anak.