Elder Lynn G. Robbins
Panguluhan ng Pitumpu
Mula nang tawagin siya bilang General Authority noong Abril 1997, natamasa na ni Elder Lynn G. Robbins ang “masayang pagpapala na makahalubilo ang mga Banal sa buong mundo.”
“Agad mong madarama na malapit ka sa mga tao saan ka man naroon,” wika niya.
Umaasa si Elder Robbins na patuloy niyang makakaharap ang mga Banal sa mga Huling Araw sa iba’t ibang lugar sa mundo habang naglilingkod bilang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu.
Si Lynn Grant Robbins ay isinilang noong Oktubre 27, 1952, sa Payson, Utah, kina Josue Grant at Evelyn R. Robbins. Ginugol niya ang kanyang kabataan sa Springville, Utah, kung saan niya nakilala si Jan Nielson, na kilala na niya mula pagkabata. Ikinasal sila noong Hunyo 27, 1974, sa Manti Utah Temple at nagkaroon sila ng pitong anak; sila ay may 15 apo.
Si Elder Robbins ay tumanggap ng bachelor’s degree sa Spanish at political science mula sa Utah State University at MBA sa international management mula sa American Graduate School of International Management sa Glendale, Arizona, USA. Siya ang co-founder at senior vice president ng Franklin Quest.
Si Elder Robbins ay naglilingkod bilang pangulo ng Montevideo Uruguay Mission nang matanggap niya ang kanyang tungkulin sa Pangalawang Korum ng Pitumpu. Pagkaraan ng tatlong taon naging miyembro siya ng Unang Korum ng Pitumpu. Naglingkod siya bilang pangulo ng South America South Area, ng Central America Area at North America West Area. Naglingkod din siya sa North America Central Area.
Ang malaking pagpapala ng paglilingkod na ito ay ang pagkakataong makabalik sa Argentina, kung saan siya naglingkod bilang full-time missionary. Habang nasa Argentina bilang binatang Elder, naglingkod siya sa Jujuy, isang area na may isang branch. Pagbalik niya sa area pagkaraan ng ilang taon, nakita niyang may isang stake na ng Simbahan na may labindalawang unit.
“Makikita ninyo iyan sa lahat ng dako ng mundo,” sabi niya. “Ito ay araw ng mga himala.”