2014
John S. Tanner
Mayo 2014


John S. Tanner

Unang Tagapayo sa Sunday School General Presidency

Mula sa kanyang pagkabata, si John Sears Tanner ay nasisiyahan sa pag-aaral.

Ang kasiyahang iyan ay nagpatuloy hanggang sa kanyang pag-aaral, trabaho, at maraming pagkakataong magturo ng ebanghelyo: una bilang missionary sa Brazil South Mission at pagkatapos ay bilang bishop, stake president, high councilor, Gospel Doctrine teacher, pangulo ng Brazil São Paulo South Mission (na matatapos ngayong tag-init), at ngayon bilang unang tagapayo sa Sunday School general presidency.

“Kapag [ang pagtuturo] ay nangyayari nang tama, nariyan ang Espiritu Santo at nadarama ninyo ang kasabikang matuto; dama ninyong kayo ay nasa sagradong lugar,” sabi ni President Tanner.

Isinilang sa Salt Lake City, Utah, noong Hulyo 27, 1950, kina William Coat Tanner Jr. at Athelia Sears Tanner, si President Tanner ay lumaki sa South Pasadena, California, USA, bilang ikalima sa 13 anak. Ang kanyang mga magulang ay bumuo ng isang kapaligirang naghihikayat ng pag-aaral sa kanilang tahanan, kabilang na ang katatagan sa ebanghelyo. “Wala akong matandaan na anumang bagay na napag-aralan sa simbahan na hindi ko muna natutuhan sa tahanan,” sabi niya. Nagustuhan din niya ang literatura na lalo pang nag-ibayo nang mag-aral siya ng English degree sa Brigham Young University at doctorate sa English sa University of California, Berkeley.

Habang nasa BYU nakilala niya si Susan Winder. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa na kalaunan ay nauwi sa pag-iibigan. Nagpakasal sila sa Salt Lake Temple noong 1974. Magkasama nilang pinalaki ang kanilang limang anak.

Sinimulan ni President Tanner ang kanyang propesyon bilang assistant professor sa Florida State University. Siya ay naging miyembro ng faculty sa BYU noong 1982; nagtrabaho na siya roon simula noon bilang assistant, associate, at propesor ng Ingles, at bilang department chairman at academic vice president.

Ang pinakamahalagang bahagi ng pagtuturo ng ebanghelyo, sabi niya, ay nagmumula sa isang bagay na natutuhan niya sa kanyang propesyon: ang pagtuturo ay kailangang magmula hindi sa takot o ambisyon kundi sa pagmamahal—mula sa pag-ibig sa kapwa, ang dalisay na pag-ibig ni Cristo.