Mexico City Temple Visitors’ Center Muling Binuksan
Sa mga buwang kasunod ng muling pagbubukas nito, mahigit 30,000 mga panauhin ang bumisita sa Mexico City Temple Visitors’ Center, na sumailalim sa dalawang taong pagre-remodel at pagpapalaki. Lahat ng eksibit ay nasa wikang Espanyol na ngayon at kinabibilangan ng orihinal na media na ginawa lalo na para sa mga Mexicano. Ang ini-remodel na center din ang unang visitors’ center na may isang buong lugar para sa eksibit na dinisenyo lalo na para sa pagtuturo ng mga alituntunin ng ebanghelyo sa mga bata.
Ang visitors’ center na ito ang pangatlong pinakamalaki sa 17 gayon ding mga pasilidad, na karamihan ay malapit sa isang templo o sa makasaysayang lugar ng Simbahan. Isang visitors’ center ang kasalukuyang itinatayo malapit sa templong itinatayo sa Rome, Italy, at may mga center na matatagpuan sa England, New Zealand, Hawaii, at sa siyam na estado sa continental U.S. Ang mga center, na dinisenyo upang tanggapin ang aktibo at di-gaanong aktibong mga Banal sa mga Huling Araw gayon din ang mga miyembro ng ibang relihiyon, ay hindi lamang ipakikilala sa mga tao ang Simbahan kundi tutulungan din silang maunawaaan ang mga paniniwala nito at maghikayat ng hangaring matuto pa tungkol sa Tagapagligtas at sa Panunumbalik ng ebanghelyo. Naglalaan din ang mga ito ng mga mensahe para patatagin ang mga pamilya.
Ang Mexico ay isang angkla sa Simbahan, na may mahigit 1.2 milyong mga miyembro, mahigit 200 mga stake, at 12 templo.