2014
Tad R. Callister
Mayo 2014


Tad R. Callister

Sunday School General President

Ilang dekada ang lumipas bago natawag kamakailan bilang Sunday School general president, mahalaga ang ginampanan ng Sunday School sa buhay ni Tad R. Callister.

Habang naglilingkod si Brother Callister bilang Sunday School president sa isang ward sa Brigham Young University, nakilala niya ang kanyang mapapangasawang si Kathryn L. Saporiti, na pinakasalan niya noong Disyembre 20, 1968, sa Los Angeles Temple.

Sila ay may dalawang anak na babae at apat na anak na lalaki; may 24 din silang apo. “Maraming mabubuting bagay na mangyayari kapag Sunday School president ka,” sabi ni Brother Callister.

Isinilang noong Disyembre 17, 1945, sa Glendale, California, kina Reed Eddington at Norinne Callister, ipinahayag niya na siya—gaya ni Nephi—ay isinilang sa “butihing mga magulang.”

“Ang aking ama ang bishop ko habang lumalaki ako,” sabi ni Brother Callister. “Madalas siyang magdala noon ng maliliit na kard, at nagsasaulo siya ng mga bokabularyo at talata sa banal na kasulatan at mga gawa ni Shakespeare.”

Tulad ng kanyang ama, si Brother Callister ay nag-aral ng abugasya. Nang makatapos sa accounting sa Brigham Young University, nag-aral siya ng abugasya sa University of California, Los Angeles, at nagtapos ng master’s degree sa tax law mula sa New York University. Nagtrabaho siya bilang abugado sa law firm ng Callister & Callister.

Nang tawagin siya, kare-release lang kay Brother Callister mula sa kanyang tungkulin sa Panguluhan ng Pitumpu at sa Pangalawang Korum ng Pitumpu, kung saan siya naglingkod simula noong 2008.

Bago iyon, naglingkod siya bilang pangulo ng Canada Toronto East Mission, Area Seventy, regional representative, stake president, bishop, stake mission president, elders quorum president at, noong binata siya, bilang missionary sa Eastern Atlantic States Mission.

Tungkol sa mga darating na pagbabago sa adult Sunday School curriculum, sinabi ni Brother Callister, “Ang kurikulum, mangyari pa, ay napakahalaga, ngunit hindi kasinghalaga ng paraan ng pagtuturo ng mga tao. Ang pinakamahalaga ay nagtuturo tayo ayon sa paraan ng Tagapagligtas, na nagtuturo tayo sa pamamagitan ng Espiritu, at nagtuturo tayo para sa lubos na pagbabalik-loob.”