2017
Pagiging Katulad ni Siblon
June 2017


Pagiging Katulad ni Siblon

“Sinasabi ko sa iyo, anak ko, na ako ay nagkaroon na ng labis na kagalakan sa iyo, dahil sa iyong katapatan at iyong pagkamasigasig” (Alma 38:3).

being like Nephi

Ang idolo ko sa Aklat ni Mormon ay si Siblon. Talagang mabuti siyang tao. Hindi niya inalala kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya. Ang tanging inisip niya ay sundin ang Ama sa Langit. Nagtiwala sa kanya ang kanyang amang si Nakababatang Alma. Lubhang nagalak si Alma na nasunod ni Siblon ang mga kautusan noong bata pa ito (tingnan sa Alma 38:2).

At pinili palagi ni Siblon ang tama. Tinulungan niya ang iba dahil mahal niya sila at mahal niya ang Diyos. Ginawa niya ang tama dahil alam niyang tama ito. Hindi niya tinangkang humingi ng gantimpala.

Sa misyon ko sa Korea, nakasama ko ang isang missionary na katulad na katulad ni Siblon. Tapat siya at masunurin sa Ama sa Langit. Pero hindi inisip ng iba pang mga missionary na napakabuti niyang missionary. Gusto kong malaman nila na mali ang iniisip nila tungkol sa kanya! Pero sabi ng mission president ko, “Alam ng Ama sa Langit na mabuting missionary siya, at alam ko rin iyon. At alam mo na rin ngayon, kaya sino pa ba ang mas mahalaga?”

Maaaring isipin natin na mahirap ding maging katulad ni Siblon at gawin ang tama dahil lang sa tama iyon. Ngunit matutulungan tayo ng ebanghelyo! Kapag nabinyagan tayo, nagsisimula tayong maging mas mabubuting tao. Kapag tumatanggap tayo ng sakramento, pinaninibago natin ang ating mga tipan. Maaari tayong maging katulad ng nais ng Ama sa Langit na kahinatnan natin.