Mababait na Bata Paggawa ng mga Manyika at Pakikipagkaibigan Ni Jordan Wright, Utah, USA Hi! Ako si Jackson, taga-Germany, at ito ang mga kapatid kong sina Josiah at Cora Jade. Isang Napakagandang Ideya Maraming taong nagpupunta sa Germany kapag hindi na sila ligtas sa kanilang bansa. Ang tawag sa kanila ay mga refugee. Walang laruan ang mga bata, kaya’t ibinigay ko sa kanila ang ilang laruan ko. Pagkatapos ay may naisip akong napakagandang ideya. Tinanong ko si Inay kung puwede kaming gumawa ng mga manyika para sa kanila. Pananahi na Kasama si Inay Gustung-gusto kong manahi na kasama si Inay. Ako ang pumapadyak sa pedal ng makina at nagsisiksik ng laman sa mga manyika. Masasayang Tala Nangolekta ang pamilya namin ng ilang damit at mga laruan para ibigay sa mga refugee rito. Nagdrowing kami para sa kanila ng mga bagay na nagpapasaya sa atin. Mga Bagong Kaibigan Dinala namin ang mga manyika sa mga refugee camp at ibinigay sa mga bata. Gusto kong nakikipagkaibigan! Ako ay Anak ng Diyos Kinantahan nila kami, at tinugtugan namin sila. Ngumiti ang ilang taong malungkot nang tugtugin namin ang “Ako Ay Anak ng Diyos.” Talagang ang ganda ng pakiramdam. Mahal Tayo ni Jesus Ang mga batang nakilala namin ay katulad namin sa maraming paraan. Mahilig kaming lahat na kumanta at kumuha ng mga laruan at maglaro sa labas. Alam ko na mahal sila ni Jesus, at mahal Niya ako. Para sa iba pang mga ideya tungkol sa paglilingkod sa mga refugee sa inyong lugar, bumisita sa lds.org/go/61775.