Mensahe sa Visiting Teaching
Kapangyarihan ng Priesthood sa Pamamagitan ng Pagtupad ng mga Tipan
Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at maghangad ng inspirasyong malaman kung ano ang ibabahagi. Paano ihahanda ng pag-unawa sa layunin ng Relief Society ang mga anak na babae ng Diyos para sa mga pagpapala ng buhay na walang hanggan?
“Ang mensahe ko sa … lahat ay na maaari tayong mabuhay sa lahat ng oras na ‘pinagpapala ng lakas ng kapangyarihan ng priesthood,’ anuman ang ating sitwasyon,” sabi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol.
“… Kapag marapat kayong nakikibahagi sa mga ordenansa ng priesthood, bibigyan kayo ng Panginoon ng higit na lakas, kapayapaan, at pag-unawa sa kawalang-hanggan. Anuman ang inyong sitwasyon, ‘kapangyarihan ng priesthood ang gagabay’ sa inyong tahanan.’”1
Paano natin maaanyayahan ang kapangyarihan ng priesthood sa ating buhay? Ipinaalala sa atin ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol na “ang mga taong lumusong sa tubig ng binyag at tumanggap kalaunan ng kanilang endowment sa bahay ng Panginoon ay nararapat sa sagana at kahanga-hangang mga pagpapala. Ang endowment ay literal na kaloob na kapangyarihan … [at] ang ating Ama sa Langit ay bukas-palad sa Kanyang kapangyarihan.” Ipinaalala niya sa atin na ang kalalakihan at kababaihan “ay kapwa … pinagkakalooban ng kapangyarihan” sa templo, “na ibig sabihin ay kapangyarihan ng priesthood.”2
Sabi ni Linda K. Burton, Relief Society General President: “Yamang ang kapangyarihan ng priesthood ay isang bagay na hangad nating lahat na mapasaating pamilya at tahanan, ano ang kailangan nating gawin para maanyayahan ang kapangyarihang iyan sa ating buhay? Ang pagiging karapat-dapat ay mahalaga sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng priesthood.”3
“Kung mapagpakumbaba tayong lalapit sa Panginoon at hihilingin sa Kanya na turuan tayo, ipapakita Niya sa atin kung paano natin higit na matatamo ang Kanyang kapangyarihan,” sabi ni Pangulong Russell M. Nelson, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.4
Karagdagang mga Banal na Kasulatan at Impormasyon
1 Nephi 14:14; Doktrina at mga Tipan 121:36; 132:20; reliefsociety.lds.org