Mga Sagot mula sa Isang Apostol
Bakit napakahalaga ng mga ama?
Mula sa “Mga Ama,” Liahona, Mayo 2016, 93–97.
Ang Ama sa Langit ay ating Ama. Sakdal ang pagmamahal Niya sa atin, at sinisikap Niyang tulungan tayo na lumigaya at makabalik sa Kanya.
Ipinlano niya na mahalin, protektahan, at pangalagaan ng mga ama ang kanilang pamilya. Ang mga mag-asawa ay may pantay na pananagutan.
Ang pinakamahalagang gawain ng mga ama ay turuan ang kanilang mga anak na mahalin ang at maging tapat sa Ama sa Langit.
Kung wala kayong kasamang ama sa bahay, hindi nababawasan ang inyong kahalagahan. Matutulungan kayo ng Ama sa Langit na maging mabuting ama o ina balang-araw.