Mga Kuwento tungkol kay Jesus
Pinagaling ni Jesus ang mga Tao
Mula sa Marcos 5:22–43.
Isang araw inanyayahan ng isang lalaking nagngangalang Jairo si Jesus sa bahay niya. Maysakit ang anak niya at kailangan ng basbas.
Nang papunta na si Jesus sa bahay ni Jairo, nakita ng isang babaeng 12 taon nang maysakit si Jesus. Naniwala siya na mapapagaling siya ni Jesus. Iniunat niya ang kanyang kamay at hinipo ang laylayan ng damit ni Jesus.
Gumaling ang babae! Sinabi ni Jesus na gumaling siya dahil sa kanyang pananampalataya.
Pagkatapos ay may dumating na may hatid na nakagigimbal na balita. Patay na ang anak ni Jairo. Huli na ba ang lahat para basbasan siya ni Jesus?
Sinabi ni Jesus kay Jairo na huwag matakot kundi manampalataya. Pagdating ni Jesus sa bahay ni Jairo, sinabi Niya sa anak ni Jairo na magbangon. Iminulat nito ang kanyang mga mata. Nabuhay siyang muli! Namangha ang kanyang mga magulang.
Maaari din tayong sumampalataya kay Jesus. Narito pa rin sa lupa ang kapangyarihan Niyang magpagaling, at maaari tayong humingi ng basbas ng priesthood kapag kailangan natin ito.