2017
Tunay na Pagkadisipulo
Setyembre 2017


Paghahanap ng mga Pagkakatulad

Tunay na Pagkadisipulo

family studying together

Kung minsan ay hindi lang isang tagapagsalita ang nagbibigay ng mensahe tungkol sa iisang paksa ng ebanghelyo. Narito ang sinabi ng tatlong tagapagsalita tungkol sa pagiging tunay na disipulo ni Cristo. Gamitin ang isyu ng Mayo 2017 o bisitahin ang conference.lds.org para mabasa ang iba pang sinabi nila.

  • “Ang tunay na mga disipulo ni Jesucristo ay handang lumantad, magsalita, at maiba sa mga tao sa mundo. Sila ay hindi walang takot, tapat, at matapang.” —Russell M. Nelson, “Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” 39.

  • “Ang tunay na pagkadisipulo ay isang kalagayan. … Ang mga disipulo ay namumuhay sa paraang ang mga katangian ni Cristo ay nagiging bahagi ng kanilang pagkatao, na parang espirituwal na tapestry o tapiserya.” —Robert D. Hales, “Pagiging Disipulo ng Ating Panginoong Jesucristo,” 46.

  • “Ang pagmamahal natin para sa araw ng Sabbath ay hindi nagwawakas sa pagsasara ng mga pintuan ng chapel kundi nagbubukas ito ng mga pintuan para sa isang magandang araw ng pahinga mula sa araw-araw na gawain, pag-aaral, pagdarasal, at pagtulong sa pamilya at sa ibang nangangailangan ng ating pansin.” —Neil L. Andersen, “Pagdaig sa Sanlibutan,” 58.