Ano ang gagawin ko kung nag-aalinlangan ang malalapit na kaanak at kaibigan sa Simbahan at tumatalikod sa katotohanan?
Kung ang mga taong malapit sa iyo ay nagsisimulang mag-alinlangan kung totoo nga ba ang Simbahan, mahalin sila at manatiling matatag. Kapag kinakausap ka nila tungkol sa Simbahan, ituon ang iyong pansin sa nadarama nila sa halip na patunayang tama ka. Huwag ipadama sa kanila na nakakahiya ang pagkakaroon ng mga tanong at pag-aalinlangan. Huwag magpakita na nagulat o nasaktan ka, kahit na iyon ang nadarama mo. Hangga’t maaari, kausapin sila nang mahinahon tungkol sa kanilang mga tanong at subukan silang tulungan sa paghahanap ng mga sagot at panghawakan ang pananampalataya, paniniwala, at patotoo na mayroon sila (para sa tulong, tingnan sa lds.org/go/91763).
Kung may isang magnais na putulin ang anumang ugnayan sa Simbahan, ang iyong relasyon ay hindi kailangang tapusin. Mahalin sila, maging mabait sa kanila, at ipagdasal sila. Kung hindi na magkatulad ang inyong pananaw sa Simbahan at sa ebanghelyo, panghawakan ang mga bagay na kapwa ninyo pinaniniwalaan. Ipaalam na may malasakit ka sa kanila, hindi lamang dahil sa kanilang pakikihalubilo sa Simbahan. Pero huwag mo ring isusuko ang sarili mong espirituwal na mga mithiin. Subukan silang bigyang-sigla, pero huwag hayaang hilahin nila kayo pababa.