Isang Iginuhit na Larawan ni Cristo
Tuwing Linggo ng gabi, uupo kaming magkatabi ng aking ama at ginagawa namin ang mga mithiin ko sa aking Pananampalataya sa Diyos na buklet. Isa sa mga mithiing gusto kong makumpleto para sa pagpapaunlad ng mga talento ang gumuhit ng larawan ni Cristo.
Nang matapos ang mithiin ko, niyaya ako ng isang kaibigan ko sa paaralan sa kanyang unang komunyon. Ang unang komunyon ay isang napaka-espesyal na okasyon sa Simbahang Katoliko. Ito ang unang pagkakataon ng isang tao na makibahagi sa sakramento. Maraming ginawang paghahanda ang kaibigan ko para sa kanyang unang komunyon, at alam kong napakahalaga nito sa kanya.
Nagpasiya akong gumuhit ng larawan ni Cristo para ibigay sa kanya bilang regalo. Pinaghirapan ko nang husto ang aking iginuhit na larawan. Nang matapos ko ito, bumili ako ng isang magandang kuwadro para ilagay ito doon at ibinigay ito sa aking kaibigan. Labis siyang nagpasalamat dito. Masaya sa kalooban ko na ibigay ito sa kanya at maging bahagi ng kanyang espesyal na araw.