Notebook ng Kumperensya ng Abril 2017
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38 ).
Habang nirerebyu mo ang pangkalahatang kumperensya ng Abril 2017, magagamit mo ang mga pahinang ito upang tulungan kang pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
“‘Tumiwala sa Panginoon ng buong puso mo; at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan’ [Mga Kawikaan 3:5–6 ]. …
“… Sa Ingles ang kahulugan ng salitang lean ay pisikal na pagpaling o pagkiling sa isang panig. Kapag tayo ay pisikal na pumaling sa isang panig o sa kabila, nawawala tayo sa gitna, nawawalan tayo ng balanse, at tumatagilid tayo. Kapag espirituwal tayong nakapaling sa ating sariling kaunawaan, napapalayo tayo sa ating Tagapagligtas. …
“… Bawat isa sa atin ay maaaring magtiwala sa Panginoon at huwag manalig [sa ating sariling kaunawaan]. Maitutuon natin ang ating buhay sa Tagapagligtas kapag nakilala natin Siya, at gagabayan Niya ang ating landas.”
“Ang nagsisising makasalanan ay mas napapalapit sa Diyos kaysa sa taong nagmamalinis na lumalait sa makasalanan.” ___________________
“Ang humihikayat na itaas ang tinig ng babala ay pag-ibig—pag-ibig sa Diyos at sa kapwa-tao. Ang magbabala ay magmalasakit.” ___________________
“Kung ang pagmamahal ng Diyos ang himig ng awiting kinakanta nating lahat, tiyak na ang kailangang-kailangang tono nito ay ang ating pagsunod sa Kanya.” ___________________
“Bihira noon ngunit nakasisiyang eksepsyon para sa mga kabataan na magdala ng mga pangalan ng kanilang sariling mga ninuno sa templo. Ngayon ay karaniwan na ito.” ___________________
Mga Sagot: (1) Dale G. Renlund, (2) D. Todd Christofferson, (3) Jeffrey R. Holland, (4) Henry B. Eyring
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bisitahin ang conference.lds.org .