Sa tulong ng iba, pinagsisihan ko ang paulit-ulit na kasalanan. Pero natatakot ako na baka balikan ko ito. Paano ko mapaglalabanan ang tukso at patuloy na maging masaya?
Palitan ang iyong takot ng pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala, sa Kanyang kapangyarihang palakasin at baguhin ka, at sa Kanyang pagmamahal at awa. Isaisip ang Ama sa Langit at si Jesucristo at ang Kanilang kabutihan sa inyo. Maging mapagpakumbaba, manalangin, pag-aralan ang mga banal na kasulatan, at maging matapat. (Tingnan sa Mosias 4:11–12.) Kung gayon ikaw ay makatatanggap ng kagalakan, na “kaloob na nagmumula sa sadyang pagsisikap na mamuhay nang matwid, tulad ng itinuro ni Jesucristo.”1
Ang ganap na pagsisisi ay maaaring mahirap gawin. Madalas na dahan-dahan ito, lalo pa’t paulit-ulit ang kasalanang ginagawa mo. Iwasan ang mga sitwasyong nakatutukso. Maaaring kailanganin mong baguhin ang iyong pang-araw-araw na gawain, ang iyong kapaligiran, at ang iyong mga kaibigan. Kung nagkamali ka, tandaan na maaari ka pa ring magsisi at magbago. Patuloy na magsikap. Hindi ka tatalikuran ng iyong Ama sa Langit at ng iyong Tagapagligtas. “Ang Pagbabayad-sala… ay makahuhugas sa bawat mantsa gaano man kahirap o katagal o ilang beses mang inulit.”2