2017
Kababaihan ng Relief Society at ang Nauvoo Temple
Setyembre 2017


Mga Figure sa Kasaysayan ng Simbahan

Kababaihan ng Relief Society at ang Nauvoo Temple

Gupitin ang mga figure na ito para ibahagi ang mga kuwento ng kasaysayan ng Simbahan.

relief society sisters and the Nauvoo Temple

Ang naunang mga banal ay nanirahan sa lugar na tinawag nilang Nauvoo. Nagtrabaho sila nang husto para malinis ang latian at maitayo ang kanilang tahanan. Itinayo rin nila ang Nauvoo Temple! Nagtibag at naghakot ng bato ang kalalakihan. Ang kababaihan ay nagluto ng pagkain, nanahi ng mga damit para sa mga manggagawa, at nangolekta ng pera para ipambili ng mga gamit. Inorganisa ang Relief Society, at si Emma Smith ang naging unang pangulo. Sa panahong ito, nagtipon ang mga bagong miyembro ng Simbahan sa Nauvoo mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Naglakad ng 800 milya (1,290 km) si Jane Manning mula New York para sumama sa mga Banal!