2017
Ano ang Naiiba?
November 2017


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Melchizedek Priesthood at Relief Society

Ano ang Naiiba?

Sa mga huling araw, ipinanumbalik ng Diyos ang priesthood at inorganisa ang mga korum ng priesthood at Relief Society upang makatulong sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain (tingnan sa Moises 1:39). Kaya tuwing Linggo kapag nagtitipon tayo sa mga miting ng Melchizedek Priesthood at Relief Society, tayo ay nagtitipon upang talakayin at planuhin kung paano natin maisasakatuparan ang Kanyang gawain. Kaya kailangan na ang mga miting na ito ay maging higit pa sa mga klase. Ang mga ito ay mga oportunidad rin upang magsanggunian tungkol sa gawain ng kaligtasan, sama-samang matuto mula sa mga turo ng mga lider ng Simbahan sa gawaing iyan, at magplano upang maisakatuparan ito. Ang mga pagbabagong ito sa ating mga miting tuwing Linggo ay tutulong sa atin na tuparin ang mga layuning ito.

Buwanang Iskedyul

Ang mga miting ng Melchizedek Priesthood at Relief Society tuwing Linggo ay susunod sa buwanang iskedyul na ito:

Linggo

Layunin

Unang Linggo

Magsanggunian tungkol sa lokal na mga responsibilidad, oportunidad, at hamon at gumawa ng mga plano upang kumilos

Ikalawa at Ikatlong Linggo

Pag-aralan ang mga nakaraang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya na pinili ng presidency o mga lider ng grupo, o minsan ng bishop o stake president

Ikaapat na Linggo

Talakayin ang isang piling paksa na itinalaga ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol

Ikalimang Linggo

Tumugon sa isang paksang pinili ng bishopric

Mga Miting ng Relief Society Tuwing Linggo

Isang Pattern para sa Ating mga Miting

Sa bawat miting ng Melchizedek Priesthood at Relief Society, sinusunod natin ang isang pattern upang maisakatuparan ang gawain ng Diyos.

  1. Magbahagi ng mga karanasan dulot ng mga pahiwatig at paanyayang natanggap sa mga nakaraang miting ng priesthood o Relief Society (pinamumunuan ng isang presidency o lider ng grupo).

  2. Magsanggunian (unang Linggo, pinamumunuan ng isang presidency o lider ng grupo) o magkakasamang matuto (ikalawa, ikatlo, at ikaapat na Linggo, pinamumunuan ng isang tinawag na guro).

  3. Magplano upang kumilos bilang isang grupo o indibidwal (pinamumunuan ng isang presidency o lider ng grupo).