2017
Elder Patrick Kearon
November 2017


Elder Patrick Kearon

Panguluhan ng Pitumpu

Larawan
Elder Patrick Kearon

Habang naglilingkod bilang Pangulo ng Europe Area, nasaksihan ni Elder Patrick Kearon ang paglalakbay ng dalawang milyong refugee mula sa Gitnang Silangan na winasak ng digmaan tungo sa kaligtasan sa Europa. “Nang titigan ko ang kanilang mga mata at marinig ang mga kuwento nila, tungkol sa takot sa pagtakas nila at sa mapanganib na paglalakbay sa paghahanap ng makakanlungan, hindi na ako magiging katulad ng dati,” wika niya. “Nakasisiglang masaksihan ang napakaraming iniambag ng mga miyembro ng Simbahan mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang tulungan ang mga tao at pamilyang ito na nawalan ng halos lahat.”

Si Elder Kearon, na sinang-ayunan bilang General Authority Seventy noong Abril 3, 2010, ay tinawag sa Panguluhan ng Pitumpu noong Agosto 1, 2017.

Si Elder Kearon ay isinilang sa Carlisle, Cumberland, England, noong Hulyo 1961, kina Paddy at Patricia Kearon. Nang magsilbi sa British Royal Air Force ang kanyang ama, nag-aral si Elder Kearon sa Middle East at sa United Kingdom.

Habang sinisiyasat niya ang Simbahan, nabasa niya ang isang talata sa Aklat ni Mormon na nagsasaad na, “Ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan” (2 Nephi 2:25). “Umalingawngaw ang talatang iyon sa mga tainga ko,” sabi ni Elder Kearon. “Sa mga nakakilala ko, nakita ko kung paano lubhang mapapayaman ang ating buhay sa pagsunod sa payo ng Tagapagligtas na magalak.” Sumapi siya sa Simbahan sa Bisperas ng Pasko ng 1987.

Nakilala niya si Jennifer Carole Hulme habang nag-aaral ito sa Brigham Young University sa England. Ikinasal sila sa Oakland California Temple noong 1991 at nanirahan sa England hanggang sa tawagin siya noong 2010. Apat ang anak nila.

Nanirahan siya at nagtrabaho sa United Kingdom, Saudi Arabia at Estados Unidos sa iba’t ibang industriya, kabilang na ang health care, pagkain, transportasyon, at automotive, at nagpatakbo ng sarili niyang communications consultancy. Ang kanyang mga pansibiko at panlipunang gawain ay kinabibilangan ng paglilingkod sa mga lupon ng mga kawanggawa, isang paaralan, isang ahensiya ng negosyo, at isang kolehiyo.

Si Elder Kearon ay nakapaglingkod na sa maraming calling sa Simbahan, kabilang na ang assistant ward clerk, ward Young Men president, tagapayo sa bishopric, branch president, stake president, at Area Seventy.

Print