Si Sister Bingham sa United Nations
Habang nagsasalita sa isang panel discussion na pangrelihiyon tungkol sa pagsama ng mga refugee sa United Nations sa New York City noong Abril 13, 2017, nagpahayag ng pag-asa si Relief Society General President Jean B. Bingham na ang mga organisasyong pangrelihiyon “ay magtutulungang lahat sa maliit at simpleng mga paraan upang maisakatuparan ang mga bagay na hindi pangkaraniwan.”
Sa taunang “Focus on Faith” briefing, tinalakay ni Sister Bingham ang mga pagkakawanggawa ng Simbahan sa mga refugee at nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nag-aabala sa “mahirap ngunit lubhang kapaki-pakinabang na gawain” sa pagbibigay-ginhawa sa mga naghihirap sa buong mundo.
Kamakailan ay nagbalik si Sister Bingham mula sa isang United Nations Children’s Fund (UNICEF) field visit sa Uganda kasama si Sister Sharon Eubank, Unang Tagapayo sa Relief Society General Presidency at director ng LDS Charities. Dumalo rin si Sister Eubank sa U.N. meeting sa New York City.