2017
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
November 2017


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan na ikinuwento sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Jose L. Alonso

(119) Pinagdudahan ng apo ni Jose L. Alonso ang pagmamahal ng kanyang lola sa kanya. Inalis ng mga magulang na namatayan ng anak sa isang aksidente ang kanilang pasanin sa pamamagitan ng pagpapatawad.

Neil L. Andersen

(122) Tinulungan ng Espiritu Santo ang isang dalaga na tanggapin ang isang alok na magpakasal. Binasbasan ni Russell M. Nelson ang mga Chinese dahil sinunod niya ang payo ng propeta.

Ian S. Ardern

(117) Tumanggap ng patotoo ang isang mangingisda tungkol sa Aklat ni Mormon habang nasa karagatan.

M. Russell Ballard

(104) Nanatiling tapat ang pioneer na Banal sa mga Huling Araw na si Jane Manning James sa kabila ng mga hamon. Tapat na naglingkod nang napakaraming taon ang mga lolo’t lola-sa-tuhod ni M. Russell Ballard.

Jean B. Bingham

(85) Isinaulo ni Jean B. Bingham ang “Ang Buhay na Cristo.” Isang Croatian sister ang naglakbay patungong templo upang mabuklod sa kanyang pumanaw na asawa at mga magulang.

Tad R. Callister

(107) Nagbalik sa Simbahan ang kaibigan ni Tad R. Callister matapos tumanggap ng patotoo tungkol sa Simbahan at sa Aklat ni Mormon.

D. Todd Christofferson

(36) Nagsisi at nagbago ng puso ang isang mission president kasunod ng isang panaginip.

Quentin L. Cook

(51) Nagmisyon si Heber C. Kimball sa England. Habang kausap si Thomas B. Marsh, natanggap ni Joseph Smith ang Doktrina at mga Tipan bahagi 112.

Stanley G. Ellis

(112) Pinalakas ng isang ama at ina ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng hindi pagtulong sa kanilang pangangailangang pinansyal nang makatapos sila ng high school.

Sharon Eubank

(6) Binago ng isang babae ang landas ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsisisi. Iniligtas ng nagkabit-kabit na mga tao ang mga manlalangoy sa malakas na alon. Nag-text ang mga kabataang babae sa isang dalagitang lilipat sa kanilang ward.

David F. Evans

(68) Nasumpungan ng bata pang si David F. Evans ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo at nagtamo ng patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon. Nagtamo ng patotoo ang isang babae tungkol sa mga ordenansa sa templo.

Henry B. Eyring

(81) Inanyayahan ng isang deacons quorum secretary ang isang di-gaanong aktibong batang lalaki sa simbahan. Ipinagdasal ng isang young adult na mabigyang-inspirasyon si Bishop Henry B. Eyring sa pagpapayo sa kanya. Pinatotohanan ni Brigham Young na tinawag na propeta si Joseph Smith.

(100) Pinagpala si Henry B. Eyring sa pagsunod sa payo ni Pangulong Monson na pag-aralan ang Aklat ni Mormon. Tumulong ang mga Banal sa mga Huling Araw sa mga biktima ng kalamidad.

O. Vincent Haleck

(58) Nagsakripisyo ang isang mag-asawang matatanda na para makasapi sa Simbahan. Binuksan ng isang pinunong Samoan ang kanyang nayon sa ebanghelyo. Ibinigay ng mga Banal na Samoan ang kanilang “kasalatan” para magtayo ng isang templo.

Donald L. Hallstrom

(88) Mahimalang nakaligtas ang isang miyembro ng Simbahan sa California nang mahulog mula sa isang talampas. Tinanong ni David A. Bednar ang isang binata kung may pananampalataya itong “hindi gumaling.”

Jeffrey R. Holland

(40) Sa isang kuwento ni Leo Tolstoy, ipinagtanggol ng isang paring nagkakamali ang itinuturo niyang mali.

Joy D. Jones

(13) Pinagtibay ng Espiritu Santo sa tatlong babae ang kanilang banal na kahalagahan bilang mga anak ng Diyos.

Joni L. Koch

(110) Pakiramdam ni Joni L. Koch ay “kaisa” siya ng isang kapwa Brazilian soccer fan. Nagpasiya ang ama ni Joni L. Koch na “manatiling kaisa” ng mga kapwa Banal sa kabila ng panlilibak.

Neill F. Marriott

(10) Sinabi ng mga batang lalaking Primary sa isang malungkot na miyembro ng klase kung bakit siya espesyal. Ipinagdasal ni Neill F. Marriott na tulungan siyang mahalin ang isang “makulit” na kamag-anak.

Richard J. Maynes

(75) Natutuhan ni Richard J. Maynes sa kanyang ama na huwag ikompromiso ang kanyang integridad kailanman.

Russell M. Nelson

(60) Nagbigay si Russell M. Nelson ng Aklat ni Mormon sa hari ng isang tribo sa Africa. Sinunod ni Russell M. Nelson ang payo ni Pangulong Monson na pag-aralan ang Aklat ni Mormon. Bilang isang surgical resident, inasam ni Russell M. Nelson na ituro sa nagdadalamhating mga miyembro ng pamilya na ang kamatayan ay bahagi ng ating imortalidad.

Bonnie L. Oscarson

(25) Naghanap ng mga paraan ang isang 10-taong-gulang at 17-taong-gulang para mapaglingkuran ang mga miyembro ng pamilya. Tumanggap ng impresyon ang isang Relief Society president na paglingkuran ang kanyang kapitbahay.

Stephen W. Owen

(48) Natanto ni Stephen W. Owen na ang mga bagong missionary ay “nagkaroon ng pananampalataya tungo sa pagsisisi.” Sinikap ng isang returned missionary na panatilihin ang kanyang sarili “sa tamang landas.”

Adilson de Paula Parrella

(115) Itinuro ng mga missionary sa pamilya Parrella na maaari silang magkasama-sama magpakailanman. Noong nag-aaral siya sa kolehiyo, sinunod ni Adilson de Paula Parrella ang payo ng propeta na maghanap ng mapapangasawa.

John C. Pingree Jr.

(32) Naglingkod ang isang miyembro ng Simbahan na taga-Nepal sa mga Nepalese refugee sa Utah at tumulong sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa Nepali. Ipinaunawa ng Espiritu Santo kay John C. Pingree Jr. ang layunin ng “mga banal na gawain.” Nagbibigay ang Panginoon ng mga espirituwal na kaloob at pagsubok para mapagpala ang Kanyang mga anak.

Ronald A. Rasband

(55) Nagalak ang apong babae ni Ronald A. Rasband sa madamdaming pagtatagpo nila ng kanyang kapatid na lalaki sa misyon nito. Nakilala ni Ronald A. Rasband ang isang sister missionary sa Temple Square na tinulungan niyang sumapi sa Simbahan.

Dale G. Renlund

(64) Nagalak si Dale G. Renlund na maipanumbalik ang mga pagpapala ng priesthood ng isang binata.

Gary E. Stevenson

(44) Ipinagdiwang ng mga Banal ang kaarawan ni Pangulong Monson. Umakit sa milyun-milyon ang isang total solar eclipse sa Estados Unidos.

Dieter F. Uchtdorf

(21) Nilakad ng isang nawawalang aso ang 2,000 milya (3,220 km) pauwi. Naging totoo ang mga naunang pinuno ng Simbahan kay Dieter F. Uchtdorf nang bumisita ang pamilya sa mga makasaysayang lugar ng Simbahan.

W. Christopher Waddell

(94) Hindi umayon sa plano ang isang bakasyon ng pamilya Waddell. Nag-iwan ng pamana ng pananampalataya, paglilingkod, at tiwala sa Panginoon ang isang Banal sa mga Huling Araw na nabulag noong World War II.

W. Craig Zwick

(97) Ipinaunawa ng Espiritu Santo kay W. Craig Zwick ang mga pangangailangan ng isang missionary na hindi marunong magbasa. Nakatulong ang pagtutuon ng isang anak na lalaki sa Tagapagligtas bago siya namatay para asamin ng kanyang pamilya nang may kagalakan ang kabilang-buhay. Napuspos ng pagmamahal ang isang maybahay pagkatapos niyang alisin ang di-magagandang nararamdaman niya sa kanyang asawa.