2017
Mga Missionary Training Center
November 2017


Mga Missionary Training Center

Ipinapakita ng bagong missionary training center sa Accra, Ghana, at pinalawak na missionary training center sa Provo, Utah, USA, ang patuloy na kahalagahan ng paglilingkod bilang misyonero.

Ang katatapos na Ghana MTC, sa tabi ng Accra Ghana Temple, ay nakakapaglaman ng 320 missionary at maaari pang palawakin. Ang mas malalaking pasilidad ay nakakapaglaman ng mga missionary na nagmumula sa west at southeast Africa, gayon din ng mga missionary mula sa buong mundo na tinawag na maglingkod sa Africa. Pinadadali ng mga bagong gusali na matuto ang mga missionary sa kanilang katutubong wika—English o French—at matutuhan ang wika at kultura ng lugar kung saan sila inatasang maglingkod.

Dinoble ng pagpapalawak ng Philippines MTC ang kapasidad nito sa 280 missionary. Kabilang dito ang dalawang bagong gusali sa isang kampus na may limang gusali, na katabi ng Philippines Area offices at katapat ng Manila Philippines Temple. Dahil nagbukas ang Philippines MTC noong 1983, nakapaglingkod na ito sa mga missionary mula sa, o halos, 60 bansa.

Ang pagpapalawak sa Provo MTC ay kinabibilangan ng dalawang bagong anim-na-palapag na mga gusali na may 200 bagong classroom, mahigit 100 practice teaching room, at 13 computer lab kung saan tumatanggap ng training ang mga missionary bago sila ipadala sa nakaatas na lugar sa kanila sa buong mundo. Ang Provo MTC ay may kapasidad na i-train ang hanggang 3,700 binata, dalaga, at senior missionary nang sabay-sabay.

Ang Simbahan ay may 15 missionary training center sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.

Print