2017
Tatlong Templo ang Inilaan
November 2017


Tatlong Templo ang Inilaan

Simula noong pangkalahatang kumperensya ng Abril 2017, tatlong templo na ang inilaan o muling inilaan. Ang Paris France Temple ay inilaan noong Mayo, ang Idaho Falls Idaho Temple (USA) noong Hunyo, at ang Tucson Arizona Temple (USA) noong Agosto.

Ang Meridian Idaho Temple (USA) ay ilalaan sa Nobyembre 19, 2017; ang Cedar City Utah Temple (USA) sa Disyembre 10; at ang Jordan River Utah Temple (USA) ay muling ilalaan sa Mayo 20, 2018.

Naipaalam na ang mga plano, o patuloy ang paghahanda at pagtatayo, para sa 23 templo sa buong mundo. Anim na templo ang kasalukuyang isinara para sa renobasyon, at limang templo ang nakaiskedyul na isara para sa renobasyon sa 2018.

Print