Resources para sa mga Hindi Makarinig
“Para matulungan ang mga miyembrong hindi makarinig, may mga teknolohiyang laan ang Simbahan na makukuha sa mga templo at meetinghouse,” sabi sa isang pabatid na ipinadala sa mga lider sa buong mundo noong Setyembre 14, 2017. “Dapat maging pamilyar ang mga lider sa mga teknolohiyang ito at tiyakin nila na alam at may access ang lahat ng maaaring makinabang sa aparato.”
Sa mga templo, ang mga miyembrong hindi makarinig ay maaaring humiling ng mga headset na gumagamit ng infrared system na nagbobrodkast sa loob ng templo. Sa mga meetinghouse, maaaring ma-access ng mga miyembro ang isang radio frequency system sa pamamagitan ng (1) mga radio frequency (RF) assistive listening receiver, mga pocket device na ginagamit ang chapel o cultural hall audio system para palakasin ang tunog sa isang earpiece, o kaya’y sa (2) mga assisted listening system (ALS) neck loop na direktang nagbobrodkast ng tunog sa T-coil-compatible hearing aid ng indibiduwal.
Ipinagbilin pa sa pabatid na “ang mga ward at branch ay dapat magkaroon ng maraming receiver [RF] at [ALS] neck loop. Kung kailangan, maaaring humiling ng karagdagang mga aparato sa pamamagitan ng stake physical facilities representative.”