2017
Elder Juan A. Uceda
November 2017


Mga Balita sa Simbahan

Elder Juan A. Uceda

Panguluhan ng Pitumpu

Elder Juan A. Uceda

Habang naglalakad sa mga guho ng Machu Picchu sa Peru bilang isang binatang missionary, nadulas si Elder Juan A. Uceda sa makitid na daan. Habang nakakapit nang husto sa ilang sanga at nakabitin sa 2,000 talampakang (610 m) taas mula sa ilog, marubdob siyang humingi ng tulong sa panalangin. Maaga pa noong araw na iyon, nanalangin siyang gamit ang kanyang bibig, ngunit “nang malapit na akong mamatay, taimtim akong nagdasal.” Nang mahuhulog na siya, hinila siya pataas ng isa pang missionary at nakaligtas.

Ang isa sa maraming aral na natutuhan niya noong araw na iyon ay “palaging manalangin ‘nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na [sumasampalataya] kay Cristo’ (Moroni 10:4).”

Si Elder Uceda ay sinang-ayunan bilang General Authority Seventy noong Abril 3, 2010. Siya ay naglilingkod bilang Assistant Executive Director sa Missionary Department at Area Assistant sa North America Southeast Area nang tawagin siya sa Panguluhan ng Pitumpu noong Agosto 1, 2017.

Mula 2010 hanggang 2013 naglingkod siya bilang tagapayo sa South America Northwest Area Presidency, at mula 2013 hanggang 2016 naglingkod siya bilang Pangulo ng South America Northwest Area.

Si Elder Uceda ay nag-aral sa Peru. Nag-enrol siya sa Jose Carlos Mariátegui Institute sa Lima, kung saan siya nag-aral ng accounting at public relations. Nag-aral din siya ng business administration sa Centro Andino de G.E. Institute. Nagtapos siya sa San Luis Gonzaga University, kung saan siya tumanggap ng bachelor’s degree sa public relations.

Si Elder Uceda ay nagtrabaho sa Church Educational System bilang area director para sa Peru at Bolivia. Nilisan niya ang Peru noong 2003 at lumipat sa New Jersey, USA, para tulungan ang kanyang ama sa negosyo ng kanilang pamilya.

Mula nang sumapi sa Simbahan noong 1972, nakapaglingkod na si Elder Uceda sa maraming calling, kabilang na ang pagiging full-time missionary sa Lima Peru Mission, stake Sunday School presidency, bishop, high councilor, tagapayo sa stake presidency, stake president, president ng Lima Peru North Mission (1992–95), at Area Seventy.

Pinakasalan niya si Maria Isabel Bendezu noong Marso 1979. Sila ay may limang anak.