Narito ang Simbahan
Hong Kong, People’s Republic of China
Karamihan sa mga tao ay nag-iisip na ang Hong Kong ay isang abalang daungang lungsod na puno ng mga tao. Ngunit sa mga karatig na lugar ng lungsod ay mas kaunti ang tao. Habang nakamasid ang isang kapitbahay, isang tatlong-henerasyong pamilya na mga miyembro ng Simbahan ang masayang magkakasama sa isang parke malapit sa kanilang apartment.
Pagpapakita ng Tunay na Pangangalaga sa Iba
Nakalarawan sa tren sa Hong Kong ang mag-ina na sina Carrie Shuk-fan Leung at Shayla Suet-yee Leung. Kapag tinatanong tungkol sa ministering, sinasabi ni Sister Carrie Leung, “Kapag nagpapakita tayo ng tunay na malasakit sa mga nasa paligid natin, tayo ay naglilingkod.”