2021
Kailangan ng Mundo ang Matatapat na Kababaihan
Marso 2021


Welcome sa Isyung Ito

Kailangan ng Mundo ang Matatapat na Kababaihan

photos of women in various settings

Simula sa unang mga araw ng Inang Eva, mahalaga na ang papel na ginampanan ng kababaihan sa pagtulong na maisakatuparan ang plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Sa buwang ito, may pagkakataon tayong malaman pa ang tungkol sa ilan sa kababaihan na mga pioneer noong unang mga araw ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo. Halimbawa, sa pahina 25 mababasa natin ang tungkol sa katapangan ni Emma Smith. Sa pag-aaral natin ng Doktrina at mga Tipan 25, maririnig natin ang mga salita ng Panginoon na humiling sa kanya na lumikha ng koleksyon ng mga sagradong himno.

Nagpapatuloy ang Pagpapanumbalik sa ating panahon, at kailangan ng mundo ang malalaking kontribusyon ng matatapat na kababaihan nang higit pa kaysa noon. Sa pahina 12, mababasa ninyo kung paano namin nakita bilang mga naglilingkod na mga Pangkalahatang Opisyal ng Simbahan ang epekto ng priesthood sa aming buhay. Ang kapangyarihang ito ng priesthood, na magagamit kapwa ng kalalakihan at kababaihan, ang paraan para makapagpatuloy ang gawain ng Diyos sa lupa. Maaari din ninyong basahin ang mensahe mula kay Pangulong M. Russell Ballard sa pahina 8 tungkol sa kababaihang tumulong sa paghubog ng kanyang buhay.

Anuman ang ating kasarian, edad, lahi, o iba pang sitwasyon, tayong lahat ay minamahal na mga anak ng Diyos na may banal na pamana at potensyal.

Tapat na sumasainyo,

President Joy D. Jones

Primary General President