2021
Ano ang kahulugan ng “pangkalahatang pagsang-ayon” sa Simbahan?
Marso 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ano ang kahulugan ng “pangkalahatang pagsang-ayon” sa Simbahan?

Doktrina at mga Tipan 23–26

Marso 8–14

PDF

Iniutos ng Panginoon na “lahat ng bagay ay nararapat na gawin sa pamamagitan ng pangkalahatang pagsang-ayon sa Simbahan” (Doktrina at mga Tipan 26:2). Ang pangkalahatang pagsang-ayon ay nagtutulot sa mga miyembro ng Simbahan na “sang-ayunan ang mga tinawag na maglingkod sa Simbahan, gayundin ang iba pang mga desisyon ng Simbahan na nangangailangan ng kanilang suporta, na karaniwang ipinakikita sa pagtataas ng kanang kamay” (Guide to the Scriptures, “Common Consent,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

Tayo ba ay “bumoboto” kapag sinasang-ayunan natin ang mga miyembro?

“Walang propeta o sinumang pinuno sa Simbahang ito, patungkol sa bagay na iyan, ang tumawag sa kanyang sarili. Walang propetang inihalal kailanman. Nilinaw iyan ng Panginoon nang sabihin Niyang, ‘Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at akin kayong [inorden]’ [Juan 15:16]. Tayo ay hindi ‘naghahalal’ ng mga pinuno ng Simbahan sa anumang tungkulin. Gayunman, may pribilehiyo tayong sang-ayunan sila.”—Pangulong Russell M. Nelson, “Pagsang-ayon sa mga Propeta,” Liahona, Nob. 2014, 74–75.

Totoo rin iyan sa lahat ng tungkulin. Ang pagsang-ayon ay isang pagkakataong magpakita at magbigay ng suporta at pagkilala sa kalooban ng Diyos.

Ang pagtataas ba ng ating kamay para sang-ayunan ang mga miyembro ay simpleng pormalidad?

“Sa ating boto ng pagsang-ayon, tapat tayong nangangako. Nangangako tayong ipapanalangin ang mga lingkod ng Panginoon upang gabayan at palakasin Niya sila [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 93:51]. Nangangako tayo na hahangarin at aasahan nating madama ang inspirasyon ng Diyos sa kanilang payo at sa tuwing kikilos sila sa kanilang tungkulin.” — Pangulong Henry B. Eyring, “Tinawag ng Diyos at Sinang-ayunan ng mga Tao,” Liahona, Hunyo 2012, 4.

Ang pagsang-ayon sa mga miyembro sa kanilang mga tungkulin ay dapat magpatuloy habang karapat-dapat sila sa tungkulin.

Paano kung hindi ko kayang sang-ayunan ang isang tao?

Sa bihirang mga pangyayari, maaaring ang isang tao ay may alam na balidong dahilan kung bakit hindi dapat humawak ng tungkulin ang isang miyembro. Sa gayong mga pagkakataon, ang miyembrong tumututol ay maaaring kausapin nang sarilinan ng bishop o ng stake president para pag-usapan ang kanilang mga problema.