2021
Ano ang bumubuo ng matibay na pundasyon?
Marso 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ano ang bumubuo ng matibay na pundasyon?

Doktrina at mga Tipan 20–22

Marso 1–7

PDF

Si Joseph Smith ay “binigyang-inspirasyon [ng] Espiritu Santo na maitatag ang pundasyon” para sa ipinanumbalik na Simbahan ng Tagapagligtas (Doktrina at mga Tipan 21:2). Sa pamamagitan niya, ipinanumbalik ang mga tamang doktrina at awtoridad ng priesthood. Lumikha ito ng matibay na pundasyon para sa muling pag-oorganisa ng Simbahan noong Abril 1830.

Ilalarawan ng pakay-aralin na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na pundasyon para sa Simbahan.

Paghahanda

Kailangan ninyo ng:

  • Anim na plastic o papel na baso

  • Isang patag na patungan (halimbawa, isang piraso ng karton, baking sheet, o kahoy na tabla)

  • Maraming mabibigat na bagay, tulad ng mga libro o mga bato

Sa bawat baso, sumulat ng isang alituntunin na tumulong sa pagtatayo ng saligan ng Simbahan, tulad ng “priesthood” o “mga banal na kasulatan.” Matatagpuan ninyo ang mga alituntunin sa mga bahagi 20–22 ng Doktrina at mga Tipan.

Pagtatayo ng Pundasyon

Magsimula sa paghiling sa iyong pamilya kung ano ang naiisip nilang bigat na makakayang suportahan ng isang plastic cup. Paano kung maraming plastic cup?

Ilagay ang mga cup nang pataob sa sahig o sa mesa. Ayusin ang mga ito sa dalawang linya, na may tatlong cup sa bawat linya. Ilagay sa patag na patungan ang mga cup at simulan ang paglalagay ng mabibigat na bagay sa ibabaw. Gaano kabigat ang kaya nitong buhatin?

Illustrations by David Habben