2023
Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay
Abril 2023


“Mensahe ng Unang Panguluhan sa Pasko ng Pagkabuhay,” Liahona, Abr. 2023.

Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay

Si Jesucristo, ang Bugtong na Anak ng ating mapagmahal na Ama, ang “muling pagkabuhay at ang buhay.” Ginawang posible ng Kanyang pagsilang, buhay, at kamatayan ang pangako na “ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, ay mabubuhay” (Juan 11:25). Sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay, inaanyayahan namin ang lahat na pagnilayan ang maluwalhating pangakong ito. Dahil kinalag Niya ang mga gapos ng kamatayan, bawat isa sa atin ay may katiyakan ng imortalidad at pag-asa ng buhay na walang hanggan.

Ang dakilang nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas ay maaaring magbigay sa atin ng pag-asa para sa kagalakan at kapayapaan hindi lamang sa buhay na darating kundi maging sa buhay na ito at ngayong nahaharap tayo sa di-maiiwasang mga hamon ng buhay. Dahil sa Kanya, alam namin na hindi nagwawakas ang lahat sa kamatayan. Alam namin na ang ating mga paghihirap ay hindi magtatagal magpakailanman. Nakadarama tayo ng kapayapaan kapag nagtitiwala tayo sa Kanya. Sumasampalataya kami na posible ang walang-hanggang kagalakan.

Pinatototohanan namin na si Jesucristo, na ating Tagapagligtas at Manunubos, ay buhay! “Namuno s’ya at landas ay ’tinuro” pabalik sa ating Ama sa Langit (“Dakilang Karunungan at Pag-ibig,” Mga Himno, blg. 116). Lubos kaming nagpapasalamat sa kaloob na Kanyang Anak, na dahilan kaya maaari tayong maging karapat-dapat sa Kanyang pinakadakilang kaloob—ang buhay na walang hanggan.

mga pirma

Ang Unang Panguluhan