2023
Paano Ko Ginugugol ang Aking Oras?
Abril 2023


“Paano Ko Ginugugol ang Aking Oras?,” Liahona, Abril 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lucas 10

Paano Ko Ginugugol ang Aking Oras?

si Jesus na kausap sina Maria at Marta

Mary and Martha [Sina Maria at Marta], ni Harold Copping © Providence Collection / lisensyado ng GoodSalt.com

Si Marta ay isang tapat na disipulo ni Cristo (tingnan sa Juan 11:27). Nang bumisita si Jesucristo sa kanyang tahanan, nagsikap nang husto si Marta na tiyaking naaasikaso ang kanyang mga panauhin. Ang kapatid niyang si Maria ay “naupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang salita” (Lucas 10:39). Nang madama ni Marta ang bigat ng maraming gawain, magiliw na ipinaalala sa kanya ni Cristo na magbaling ng tuon sa kung ano ang pinakamahalaga sa oras na iyon. Mabuti ang ginagawa noon ni Marta, “subalit isang bagay ang kailangan. Pinili ni Maria ang mabuting bahagi” (talata 42).

Tulad ng iminumungkahi sa manwal na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, mahihikayat tayo ng salaysay na ito na suriin kung paano natin ginugugol ang ating oras. Narito ang ilang posibleng tanong para makapagsimula ka.

  1. Nagpapakahirap ba ako sa pagsisikap na gumawa ng napakaraming mabubuting bagay?

  2. Isinasantabi ba ng mabubuting bagay na ito ang mas mabubuti at banal na bagay?

  3. Anong mahihirap na bagay ang maaari kong iwaksi sa buhay ko?

  4. Anong kapaki-pakinabang na mga bagay ang maaari ko pang idagdag sa buhay ko?

  5. Paano ako makakapag-ukol ng oras para pakinggan ang Tagapagligtas?