2023
Paano Mapapalakas ng Paghahayag ang Aking Patotoo?
Abril 2023


“Paano Mapapalakas ng Paghahayag ang Aking Patotoo?,” Liahona, Abr. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin 

Mateo 16

Paano Mapapalakas ng Paghahayag ang Aking Patotoo?

sina Jesus at Pedro habang nag-uusap

Paglalarawan ni Paul Mann kina Cristo at Pedro habang nag-uusap

Nais ng mga Fariseo at Saduceo na pakitaan sila ni Jesucristo ng isang tanda, ngunit kahit ang maraming himalang ginawa ni Cristo ay hindi naging sapat para mapabalik-loob ang kanilang puso. Sa kabilang dako, ang patotoo ni Pedro tungkol sa Tagapagligtas ay nabuo dahil sa paghahayag na nagmula sa ating Ama sa Langit.

Ano ang matututuhan mo tungkol sa paghahayag mula sa sumusunod na mga talata sa banal na kasulatan?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano tayo maaaring tumanggap ng paghahayag: “Ipanalangin sa pangalan ni Jesucristo ang inyong mga alalahanin, ang inyong mga takot, mga kahinaan—oo, ang pinakainaasam ng inyong puso. At makinig! Isulat ang mga naiisip ninyo. Itala ang inyong nadama at isagawa ang mga bagay na ipinahiwatig sa inyong gawin” (“Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 95).