“Sapat ba ang Aking Handog?,” Liahona, Abr. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Sapat ba ang Aking Handog?
Alam ng mga disipulo na ang limang tinapay at dalawang isda ay kakarampot na handog (tingnan sa Juan 6:7–9). Subalit nagawa iyong himala ng Tagapagligtas na nagpakain sa 5,000 tao.
Sabi ng Panginoon, “May kakayahan akong gawin ang aking sariling gawain” (2 Nephi 27:20); maisasakatuparan Niya ang Kanyang mga layunin nang wala ni isang tinapay o isda mula sa atin. Ngunit hinihiling pa rin Niya na maghandog tayo ng “puso at may pagkukusang isipan” (Doktrina at mga Tipan 64:34).
Anuman ang inilalaan natin sa Kanyang gawain—ang ating mga ari-arian, talento, oras, pananampalataya, pagmamahal—o gaano man tayo nakakapag-ambag, mapaparami at magagamit ng Tagapagligtas ang lahat ng kusa at taos-pusong handog para itayo ang Kanyang kaharian at gawin ang Kanyang gawain.
Isipin kung ano ang naisakatuparan sa mga puso’t isipang may pagkukusa na inihandog ng mga taong ito: