2023
Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko
Disyembre 2023


“Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko,” Liahona, Dis. 2023.

Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko

Ang Kapaskuhan ay kadalasang nauugnay sa mga regalo. Ang pinakakanais-nais na mga regalo ay ang mga inialay sa atin ng ating mapagmahal na Ama sa Langit at ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Naging posible ang mga regalong ito dahil nagpakababa si Jehova para pumarito sa lupa bilang ang sanggol na si Jesus. Siya ay isinilang ng isang imortal na Ama at isang mortal na ina. Isinilang siya sa Bethlehem sa pinakahamak na kalagayan. Ang Kanyang banal na pagsilang ay ipinropesiya ng mga propeta simula sa panahon ni Adan. Si Jesucristo ang pinakadakilang regalo ng Diyos—ang regalo ng Ama sa lahat ng Kanyang mga anak (tingnan sa Juan 3:16). Ang kapanganakang iyon ang buong kagalakan nating ipinagdiriwang tuwing Kapaskuhan.

Ang walang-katapusan at sakdal na pag-ibig ng Tagapagligtas ay nagtulak sa Kanya na magbayad-sala para sa lahat ng mga anak ng Diyos. Ang regalong iyan—ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo—ay nagtutulot na mapasaatin ang lahat ng iba pa Niyang mga regalo.

Pinatototohanan namin na ang Diyos ay buhay! Si Jesus ang Cristo—ang Mesiyas. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Kanyang Simbahan, na pinamamahalaan Niya.

mga lagda

Ang Unang Panguluhan