2023
Paano Tayo Tinutulungan ng Pagsunod sa Halimbawa ng Panginoon na Magbalik-loob?
Disyembre 2023


“Paano Tayo Tinutulungan ng Pagsunod sa Halimbawa ng Panginoon na Magbalik-loob?,” Liahona, Dis. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Pasko

Paano Tayo Tinutulungan ng Pagsunod sa Halimbawa ng Panginoon na Magbalik-loob?

si Jesus na naglalakad kasama ang mga disipulo

Kapag pinag-aaralan natin ang buhay ni Jesucristo, nagkakaroon tayo ng mas malalim na pag-unawa sa sarili nating likas na pagkatao. Kapag mas tinularan natin ang Kanyang halimbawa at mga turo, magiging mas katulad Niya tayo. Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala tatanggap tayo ng lakas, patnubay, at kapangyarihang magbalik-loob. Kapag sinusunod natin ang halimbawa ng Panginoon, magbabalik-loob tayo sa Kanyang ebanghelyo.

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Panahon na para sikapin ng bawat isa sa atin na magbalik-loob, at maging katulad ng nais ng ating Ama sa Langit na kahinatnan natin.”1

Ang Buhay na Cristo

Isiping basahin ang “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” (makukuha sa ChurchofJesusChrist.org) at markahan ang mga bagay na ginawa Niya noong Kanyang ministeryo.

Paano mo matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at magagawa ang mga bagay na katulad niyon?

Sa table sa ibaba, maaari mong ilista ang ilan sa mga bagay na ginawa ni Cristo sa Kanyang ministeryo at pagkatapos ay ilista ang mga bagay na magagawa mo para matularan ang Kanyang halimbawa. Dalawang sampol na pahayag mula sa “Ang Buhay na Cristo” ang inilaan para sa iyo.

Ang Ginawa ng Panginoon

Ang Magagawa Ko

“Sa ilalim ng pamamahala ng Kanyang Ama, Siya ang [lumikha] ng daigdig.”

Makakatulong ako sa paglikha ng isang tahanang higit na nakasentro kay Cristo.

“Pinasimulan Niya ang sakramento bilang paalaala sa Kanyang dakilang mapagbayad-salang sakripisyo.”

Maaari ko Siyang alalahanin habang tumatanggap ako ng sakramento.

Tala

  1. Dallin H. Oaks, “Ang Hamon na Magkaroon ng Kahihinatnan,” Liahona, Ene. 2001, 41.